Chapter 11

53 5 0
                                    

A/N: Sobrang ikli lang po ng update na ito, dahil sa ang tamad ko at wala na po akong maisip dahil sa sobrang tagal kong hindi nag-update dito ay nakalimutan ko na ang mga pangyayari xD
--------------------------------------------------------------------------------
Chapter 11

Pinapunta ako ni mommg sa opisina niya at sinigurado pa nga ni teacher Bryan na walang sumusunod na estudyante samin, dahil baka mabuking ang tunay na pagkatao ko at baka maging usap-usapan ako at sabihing mag bias dito sa school na ito achuchu. Hayyy, ano ba itong mga pinag-iisip ko?

Nang makarating na kami sa opisina ni mommy ay medyo kinabahan naman ako. Pumasok na kami at naabutan kong si mommy na nakatayo at nakatingin sa bintana.

"Ma'am, andito na po kami." sabi ni teacher Bryan.

"Okay, iwan mo muna kami ni Cassandra." sabi naman ni mommy.

"S-Sige po." sabi ni teacher Bryan at tuluyan ng umalis.

"So, Cassandra. What happened? Bakit naging 2nd ka lang?!" panimula ni mommy at tuluyan ng lumingon sakin.

"I'm sorry, hindi naman po kasi ako nag-review about sa essay na yun." sabi ko.

"Wala akong pakielam, kung nag-review ka o hindi! Bakit hindi ka nanalo?!" sigaw ni mommy.

"S-Sorry." sabi ko nalang.

Parang may lump sa throat ko at namumuo na ang luha sa aking mga mata. Bakit ba? Bakit ba gusto niya lagi akong first? Hindi ba puwedeng maging 2nd kahit minsan? Hindi ba puwedeng magkamali para sa kanya?

"Sorry?! Ayan lang ba ang masasabi mo? Pinapalaki kita ng maayos! At ang gusto ko ay ikaw ang magmana ng school na ito! At gusto ko rin yung perfect ang mag-mamay-ari ng school na ito!" sigaw nanaman ni mommy.

"Mommy... Bakit ba pinipilit niyo maging perfect?! Bakit niyo po ba ako pinipilit na magmay-ari ng school na ito?! Bakit ba gusto niyo lagi akong perfect sa exams at kung ano-anong test. Bakit ba gusto niyo lagi akong panalo sa mga contests?! Pinipilit ko naman mommy eh! Pero ngayon lang ako nag-2nd bakit hindi nalang kayo matuwa?! Bakit ba? Mommy! Walang perpektong tao sa mundo! Hindi ka din perpekto mommy! Napakatalino mo nga yung pagiging isang ina mo naman. Hindi mo magawa ng mabuti!" hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob para sabihin ng lahat ng iyan kay mommy.

Umiiyak na rin ako, lumapit si mommy sakin at bigla nalang akong sinampal ng napakalakas. Lumaki ang mga mata ko at lalo akong napahagulgol sa iyak. Lumabas ako ng office niya at tumakbo ako pero bago pa ako makababa ng hagdan ay nakasalubong ko si Theo. Kaya naman napahinto ako ng sandali, pero nung tatakbo na ulit pababa ay hinawakan niya ang wrist ko.

"What happened?" tanong niya.

Binalibag ko yung kamay niyang nakahawak sa wrist ko at tumakbo na ulit ng tumakbo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 31, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

He's a nice guyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon