Chapter 5

66 4 0
                                    

Chapter 5

Harvey's POV

Natalo kami sa laro... Sa finals dahil sakin. Kaya naman medyo nahihiya akong pumasok sa school kinabukasan, napag-isip-isip kong pumunta sa office ni Director yung may-ari ng school namin para mag-sorry.

"How can there be such a crazy kid, Director? That callow and impertinent boy, made our most prestigous Cambridge University miss out the victory!" may narinig akong boses ng nasa pintuan na ko ng office ni Director, parang familiar sakin si Teacher Bryan yata yun. Yung adviser namin.

Hindi ko muna binuksan yung pinto at sa halip ay nakinig pa ako sa usapan nila.

"You're saying you're in no way responsible teacher Bryan?" sabi ni Director.

"H-Hindi naman po iyon ang ibig kong sabihin Director." sabi ni teacher Bryan.

Lalo ko pang diniin ang tainga ko sa pinto para mas lalo ko ring marinig yung usapan nila.

"What kind of teacher are you? How could you let it come to this?" sabi naman nung Director.

"I-Im sorry, Director." utas ni Teacher Bryan.

"I don't want to see that student play football again." sabi ni Director.

"O-opo, i understand." sagot ni teacher Bryan.

Patay, anong gagawin ko? Tatanggalin na ba ako sa football club? Paano na yung mga pangarap ko? Paano na iyon? Aiish! Bubuksan ko na talaga yung pinto para lang mag- sorry at hindi na matanggal sa football club. Kaso bigla ulit nagsalita si Director.

"It would be even better if i never see him again in school." sabi ni Director na siyang ikinagulat ko.

Paano ba yan? Maki-kick out na ba ako sa school na toh? Paano na si Inay na naghihirap mapag-aral lang ako dito? Tinggal ko ang kamay ko sa door knob at tumakbo na paalis dun. Pumunta nalang ako sa Gym kung saan kami nagpapractice ng mga kasamahan ko ng football. May narinig nanaman akong panibagong sigaw kaya sumilip muna ako dahil mamaya ako nanaman yung hinahanap.

"Where's that punk Harvey Chavez?!" sigaw ng coach namin.

Patay, ako nanaman ang hinahanap. Tinulak ko ang pinto para mabuksan na ito.

"Andito po ako Coach." sabi ko.

"Tsss. Ang angas mo pala eh noh. Nagpakita ka pa talaga dito." sabi nung Senior namin sa football club.

Inirapan ko siya ng medyo maangas nga.

"Aba't gumaganyan ka pa? Pambabae lang yang irap-irap na yan di bagay sayo." sigaw ni Carlos yung senior namin.

"Bumalik ka pa talaga dito ahh!" sigaw ni Coach.

"Sorry po kasalanan ko po kung bakit natalo tayo." sabi ko.

May dalang baseball bat si coach at inihampas sa likod ko. Pero hindi naman ganoon kasakit. Pero napadapa ako doon.

"Get up! Get up Punk!" sigaw ni Coach.

Ito ang parusa kapag lagi kaming natatalo, laging may isang napaparusahan. Pero sa ilang taon naman ay lagi kaming panalo, ngayon lang ulit kami natalo.

"Tamana na yan Coach." sabi ni Theo, si Theo Hernandez.

"A jerk like this doesn't deserve pity. Tss." sabi ni Carlos.

"I'll leave the football club then. Wala na akong pakielam dito! More time is spent on beatings than kicking a ball." sabi ko na iningles ko pa. Para mas maangas ang dating sa kanila.

Ayoko talagang umalis pero wala akong choice. Mabubugbog lang ako dito mas mabuti na ngang ako na mismo ang umalis.

He's a nice guyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon