Chapter 4

59 4 0
                                        

Chapter 4

Harvey's POV

Makalipas ang dalawang araw ay ito na ang araw na pinakahihintay ng buong estudyante sa Cambridge University. Ito na at nakasuot na ako ng uniporme ng team namin. Nandito na rin kami sa lugar kung saan gaganapin ang laro nasa loob pa kami ng isang building kung saan kami nagbihis ng uniporme ng team namin, naririnig ko na lahat ang sigawan at hiyawan ng tao sa labas na nagchecheer sa school namin at school ng kalaban.

"Hoy, Harvey goodluck sayo." sabi ng isang pinakamatagal na player sa aming team 4th year HS na siya kaya Senior na siya. At siya ang laging nambubully sakin at sa ibang player dito.

"Thanks." yun nalang ang sinabi ko.

Tinawag na kami at lumabas na kami sa building at dumiretso sa isang napakalawak na field na paglalaruan namin. Ang daming nagchecheer sa school namin, ang daming fans! Yeaaah! Feeling ko sikat na sikat na ako.

Nag-umpisa na ang laro, nung una ay tuloy-tuloy ang nagagawang score ng aming team.

"GO THEO! GO THEO! GO THEO HERNANDEZ!" yan yung karamihang naririnig ko na chinicheer ng mga babae.

Bakit nga naman hindi nila ichecheer iyon eh gwapo na mayaman pa. Samantala lang ako, kagwapuhan lang ang meron ako. Haha.

Mga bandang gitna ng laban ay medyo humahabol ang kalaban sa score namin.

"GO HARVEY CHAVEZ!" mayroon din naman akong naririnig na sumisigaw sa pangalan ko sa bandang kanan iyon.

Lumingon ako sa tumawag ng pangalan ko at kumaway. Natutuwa kasi ako pag may nagchecheer sakin. Biglang naagaw tuloy sakin yung bola ng kalaban. Aissshh! Ang tanga ko! Wala ako sa focus! Tuloy-tuloy na nakascore ang kalaban at isa nalang ay panalo na sila. Pantay na ang score at 1 minute nalang ang natitira.

"HOY HARVEY! UMAYOS KA! WAG KANG LINGON NG LINGON KUNG SAAN SAAN! TANDAAN MO NAGPUPUNAS NG MADUDUMING SAPATOS AT NAGLALABANDERA ANG NANAY MO! MAY MAPAKAIN AT MAPAG-ARAL KA SA MAGANDANG PAARALAN!" sigaw nung Senior sa team namin na si Carlos.

Biglang parang nagdilim yung paningin ko sa mga sinabi niya bigla akong nabuhayan ng dugo at nainis sa mga pinagsasabi niya, siya pa naman ang goal keeper namin kaya bigla kong inagaw ang bola sa kalaban at bigla ko nalang sinipa ng sobrang lakas yung bola sa goal keeper... namin at hindi niya ito nasalo kaya tumama ito sa net.

Naubos na ang time... Kaya panalo ang kalaban namin. Ano tong ginawa ko? Nagkamali ako ng sipa, ako ang gumawa ng score sa kalaban namin dahil nasipa ko ang bola sa mismong goal keeper namin! Aisssh!

He's a nice guyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon