Chapter 2

90 5 0
                                    

Chapter 2

Harvey's POV

"Anak! Gumising ka na! Aba'y walang pasok ngayon pero wala ka namang ginagawa, puro kain tulog ka lang!" sigaw ng nanay ko sakin.

"Ahhh, ito na po gigising na." sabi ko at tumayo na.

"Aba'y mag-aral ka nalang para sa darating na pasukan. Ano bang pangarap mo sa buhay huh? Maging tambay?!" sigaw nanaman ni Inay.

"Nay, my dream is to be like Beckham, Ronaldo or Zidane and became a famous fotballer." sabi ko sa kay inay.

"Aba't iniingles-ingles mo pa ako ha! Footballer, tsss." sagot naman ni inay.

Ngumisi nalang ako at nag-unat unat.

"Maglalakad-lakad lang po ako sa labas." sabi ko kay inay.

"Sige, umuwi ka agad." aniya.

Lumabas na ako sa bahay at naglakad-lakad malapit na ang finals sa laro naming football sa pasukan na iyon kaya nagpapractice-practice kami kahit bakasyon palang. Pero wala ang coach namin ngayon kaya di muna kami nagpractice. Hayy! Magdidilim na at di nalang namalayan na nasa may ilog na ko. Aba'y malayo-layo na ito sa amin ha.

Ako si Harvey Chavez isang 3rd year highschool na nag-aaral sa Cambridge University isa iyon sa pinakasikat na school sa Pilipinas. Pinagsisikapan talaga na magtrabaho ni inay para lang makapag-aral ako doon sa school na iyon. Sumali ako sa football club doon at ngayon ay finals na namin sa pasukan at excited na ko sa finals, sana manalo kami!

Umupo ako sa river side at tumingin lang sa papalubog na araw ng biglang may tumabi sakin, kaya napatingin ako. Isang mukhang anghel na babae ang ganda niya kaso biglang nilipad yung panyo niya.

"Ohh!" napatili siya.

Tumalon ako at nakuha ko naman yung panyo pero nahulog ako sa ilog, nakalimutan kong may ilog pala dito. Tsss. Maya-maya ay lumagoy ako at napadpad sa may pampang at umuwi na ng basa. Aisssh! Di man lang ako tinulungan nung babaeng yun? San ba siya nagpunta? Tsss. Uuwi nalang ako.

Pagkauwi ko ay tama nga ako at binungangaan nanaman ako ni inay.

"Ikaw bata ka! Saan ka ba nagpupunta?! Basang-basa ka oh! Magpalit ka nga ng damit bilisan mo!" sigaw ni inay sakin.

Pumunta ako sa kwarto ko at kumuha na ng damit at nagbihis. Di ko namalayan na nasa akin pa pala itong puting panyo nung babae. Ikaw babae ka, kapag nakita ulit kita kahit pa maganda ka at chick ka. Humanda ka sakin muntikan na akong malunod doon sa ilog na iyon para lang sa panyo mo. Tsss.

Lumabas na ako sa kwarto ko at alam kong sisermonan nanaman ako ni inay.

"Anak! May bisita ka!" sabi ni inay.

Bisita? Sino naman kaya yun? Pero kung sino man siya ay nagpapasalamat ako at niligtas niya ako kay inay. Ohh! Yung bestfriend ko haha. Sino nga naman pala ang bibisita sakin, eh siya lang ang nakakaalam ng bahay namin.

"Anong ginagawa mo dito Andrew?" salubong ko sa kaibigan kong nasa sala namin.

"Wala lang kakamustahin lang kita, pre." sabi niya sakin.

Itong si Andrew ay matagal ko ng bestfriend simula nung elementary ka kaya naman close na close kami nito.

"Maghahain lang ako diyan na muna kayo." sabi ni inay samin.

"Sige po." sabay naming sinabi.

"Thank you!" sabi ko kay Andrew ng umupo ako sa may harapan niya.

"Thank you? Bakit? Sakto nanaman ba ang dating ko at hindi ka sinermonan ng nanay mo?" sabi niya at humalakhak.

"Alam mo na pala eh." sabi ko at ngumisi.

"Ano nanaman ba yung ginawa mo?" tanong ni Andrew.

Kinuwento ko lahat ng mga nangyari kanina pati doon sa magandang babae na nakita ko. At humalakhak lang siya sa kinuwento ko.

"Tsss, ano bang pinunta mo dito?" sabi ko nalang.

"Kaya ako pumunta dito, dahil dito." sabi niya sakin at pinakita ang USB na hawak niya at winawagayway pa ito.

"Ano nanaman yan pre? Porn?" bulong ko at humalakhak.

"Oo, pre. Panoorin na natin." sabi ni Andrew.

"Gago ka ba? Andiyan si inay, ikaw nalang manood niyan." sabi ko at pumunta na sa kainan.

Dumating na rin si inay na may dala dalang kaldero na naglalaman ng kanin at may mga ulam na nakahanda na sa lamesa.

"Andrew, dito ka na kumain." sabi ni inay kay Andrew.

"Kakakain ko lang po samin, sige po alis na po ako. Bye pre." sabi ni Andrew.

Tumango nalang ako.

"Geh, ingat ka." sabi ni inay kay Andrew.

He's a nice guyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon