Day 02

27 9 6
                                    

“Oh! Ano na ang plano mo? Thursday na!”

Hindi ko alam kung bakit tulala ako. Nakatingin lang ako sa pintuan ng classroom at tinitingnan ang kahit na sinong papasok. Hindi ko nga rin alam kung bakit ang aga ko e. Nauna pa ako kay Alfonso na siyang dapat laging nauuna sa pagpasok.

Nakaupo ako sa upuan ko nang lumapit siya sa akin at nagsalita.

“Ha?” sagot ko kahit narinig ko naman na ang sinabi niya.

“Good morning! Sabi ko, ano na ang plano mo at Thursday na, ano?” nakapamaywang niya pang sigaw habang nakatayo sa harap ko.

Ayon! Iyon ang dahilan kung bakit ako tulala. Ngayong nalaman ko nang walang girlfriend si Dean… hindi ko na alam ang susunod kong gagawin. Dapat pala pinaplano ko na ‘to sa bahay pa lang.

Tama! Tama! Mamaya na lang pag-uwi ko.

“Oo nga e, wala pa akong naiisip,” sagot ko na lang. Bakit niya ba kasi tinatanong? “Bakit mo ba kasi tinatanong? Hayaan mo na lang akong dumiskarte, binabalitaan ko naman kayo after kong gawin e!” Umayos ako nang upo dahil dumarami na ang tao sa loob ng classroom.

“Te, ano ba ang pinagsasasabi mo?” sigaw ni Alfonso na talagang ikinagulat ko.

“Ano ba ‘yan? Ang aga-aga e sigawan?” Pareho kaming napatingin ni Alfonso sa pinto nang marinig namin ang boses ni Rhaya at kasunod si Avery. “Talak ka nang talak, bakla!”

“Ito kasi e! Hibang ata ‘tong kaibigan mo e, tinatanong ko kung ano na ang plano niya at Huwebes na. Ang sagot ba naman e, Bakit mo ba kasi tinatanong? Hayaan mo na lang akong dumiskarte, binabalitaan ko naman kayo after kong gawin e!’ Ano ‘yon ‘te? Ano ‘yon? Hindi ko naiintindihan ang mga happenings,” mukhang galit si Alfonso pero mukhang hindi naman. Gets n’yo?

Mali ba ‘yung sinagot ko?

Totoo naman e. Katulad kahapon, pagkatapos naming mag-lunch ni Dean ay nagkwento na kaagad ako sa kanila. Detailed pa!

“Oy, Alfonso Jr., ano ba kasi ang tinatanong mo?” si Avery ang sunod na nagsalita.

“Girl, ‘yung project natin! Pro-ject na-tin! Na-tin! Hindi kaniya! Ano ang pinagsasasabi niyang hayaan na siyang dumiskarte? Naka-drugs amp!”

Parang tinambol ang buong pagkatao ko nang marinig kong sabihin ‘yon ni Alfonso. Bumabangon ata ang kahihiyan mula sa sahig ng classroom at saka ako unti-unting sinasakop. Gano’n! Gano’n ang pakiramdam ko!

“Tapos na kami sa part namin…” tumingin ako sa katabi kong upuan at doon nakita si Sofia na nakatingin sa harap at parang wala lang ang sinabi niya kanina. “Hayaan n’yo ‘yan si Allysa maging busy kay Dean. Gumawa kami kagabi at email ko na lang sa’yo ‘yung file… Alfonso Ju-nior.”

Sa sinabing ‘yon ni Sofia ay saka naman humagalpak ng tawa ang buong klase.

Lakas pala mang-asar nito!

“Okay ka na?” mataray kong baling kay Alfonso.

Ang totoo? Hindi ko alam ang mga pinagsasasabi ni Sofia. Alam kong may project kami at kaming magkakaibigan lang din naman ang magkakagrupo dahil hinayaan naman kami ng teacher namin na mamili kung sino ang gusto naming makasama. Si Alfonso ang leader namin at nag-assign lang siya ng mga gagawin at sinabing ipasa na lang sa kaniya before Friday. Balak ko namang gawin, mga mamaya, gano’n.

Mamaya ko na lang tatanungin si Sofia about do’n sa pa-hero effect niya.

Nagbulyawan lang din kami ulit lima, lalo na sina Alfonso, Rhaya, at Avery. Natapos lang siguro ‘yon nang dumating ang first subject teacher namin at nagtuloy-tuloy na dahilan para hindi na kami makapag-usap pa ulit.

One Week and Four DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon