Day 07

17 8 1
                                    

Sobrang tahimik.

Sobra.

Nasa library ako e. Oo, sa kalagitnaan ng foundation week e nandito kami ng mga kaibigan ko sa library at gumagawa ng research paper.

“Na-iimbyerna ako!” mahinang sumigaw si Alfonso. Mag-imagine na lang kayo kung paano niya ginawa ‘yon. “Napapagod na ako, super! Ang dami kong iniintindi. Itong research paper pa na ‘to ay sumabay. Imbis na nagsasaya ang students ay bigla namang pinabago ni Medusa ang deadline ng research paper niya.”

Totoo ‘yon. Ngayon kasing foundation week, ginawang 30 minutes na lang ang mga klase para nga raw makapag-enjoy ang lahat. Ang research paper naman namin, deadline talaga no’n ay sa next Friday pa, a week after foundation week. Pero pinabago niya at ginawang Sunday. Aba’y natural, nangangarag kami ngayon.

Kaming magkakaibigan din naman ang magkakagrupo kaya ayos lang pero ‘yung bigla niyang babaguhin ang deadline kasi gusto niya lang? ‘Yung totoo, ano’ng trip mo, Medusa?

“Ang dami ko pa namang plano today… alam ko na nga mga booths na papasukan ko e… Nakakainis ta—”

“Sshhh!!” Librarian malamang, alam mo namang si Alfonso.

Wala kaming nagawa kung hindi ang tumahimik at tumutok na naman sa kaniya-kaniya naming laptop. Dahil nga nagbago ang deadline, binago na naman namin ang mga kaniya-kaniyang deadline para sa bawat part. Dapat ay sa Sunday namin gagawin ang experiment pero binago ni Sofia at bukas na lang daw after class para mabilis kami. Hinahabol din kasi namin ang Friday, kasi walang class no’n whole day pero masaya sa school. Ayaw naman naming hindi maattendan mga events ‘no? Once a year lang lahat ‘yon nangyayari.

“Guys, mag-seryoso muna tayo, please? Bilisan na lang natin. Kailangan lang at least may matapos tayo ngayong araw kahit papaano dahil mas busy tayo tom.” Nagsalita si Sofia bilang leader namin. “Bale, bukas, mamamalengke tayo para makabili ng ingredients, ‘yung oregano ay ako na ang magdadala. ‘Yung mga surot naman ay nagpabili na ako kay mommy kaya baka dalhin ko na lang bukas. Kina Rhaya naman tayo gagawa ‘di ba? Para sobrang bilis ng internet. Ang bibilhin na lang natin bukas ay mga gagamitin, containers, gano’n. Nasa GC naman na lahat ‘yon.”

Iyon na ata ang pinakamahaba niyang sinabi sa tanang buhay niya. Normal niya lang sinabi ‘yon at hindi na niya kailangang mag-effort na hinaan ang boses niya. Umayos naman kaming lahat at nag-agree na lang. Wala naman kaming choice e.

Bumalik ako sa pag-ttype sa laptop ko. Nakasulat na kasi sa papel ang mga gagawin ko, kaya puro type na lang ang gagawin. Nasa ganoon akong posisyon nang maalala ang mga sinabi ni Dean kahapon.

“We’ll do that, just not today…”

Bakit siya gan’yan? Huhu…

Flashback

Pagkaalis ni Dean sa harapan ko ay hindi ko pa alam kung paano gagalaw. Bakit kasi kailangan niya pang sabihin ‘yon e? Walang kakaibang feeling pero iba ‘yung dating sa akin!

May gusto ba siya sa akin? Omygod!

Nang mabalik ako sa ulirat ay tumingin na lang ako ulit sa gawi niya at hindi ko naman inaasahan na makikita si Echo. Nag-uusap na sila ngayon at dahil nga assuming ako at delusional, iisipin ko na lang na ako ang pinag-uusapan nila. Panay ang tingin sa akin ni Echo e.

Tumalikod na lang ako at luminga-linga. Siyempre, hahanapin ko ang kaibigan ko. Hindi naman ako magpapaka-loner na pupuntahan ang bawat booth nang mag-isa ‘no?

Nilabas ko ang phone ko at nag-chat sa GC namin. Agad naman ‘yong nakita ni Rhaya at nalaman kong nasa COOP sila. Dumiretso agad ako paakyat sa third floor at magpunta ng COOP. Mas kaunti ang tao rito kumpara sa main canteen kasi kaunti lang ang tinda, hindi katulad sa main na sandamakmak ang pagkain.

One Week and Four DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon