Day 06

20 7 5
                                    

“Hala, mommy, bilis!”

Argh! Nagsasapatos ako ngayon dito sa kitchen. Oo, sa kitchen! Hinihintay ko kasi ang baon ko na pina-pack ngayon ni mommy. O niluluto pa lang. Super late ko na kasi sa school.

Late ka na kasi umuwi kagabi!

Hindi naman ‘yon e! Hindi ko kasi nasabi kina mommy na may program ngayon sa school. ‘Di ba nga start ng foundation week at ngayong araw ang unang araw? Meaning, may opening program.

“Oh, hello!” sagot ko kay Sofia. Kanina niya pa ako tinatawagan at kanina pa ako nagsasabi sa kaniyang sandali lang.

Ganito kasi ‘yan, bale 8 PM na ako nakauwi kagabi galing kina Dean. Siyempre, napasarap ang pagnood ko at ang sarap ng mga baked pastries ni Tita Julie. Julie’s Bakeshop yarn? Kimmy. Buti nga at hindi ako pinagalitan ni daddy, ‘wag lang daw maulit.

Dahil nga late na ako nakauwi, hindi na ako nagkaroon ng time na makapagsabi sa kanila ng sched ko today. Ang usual na oras kasi ng pasok ko ay 10 AM pero today, kailangang before 8 AM, nasa school na kami. Wala namang class whole day dahil nga sa event. Pero dahil nasa Section 1 ako at isa sa mga kaibigan ko ay parte ng student council, kailangan niya ng suporta.

Ngayon! Super late na ako! Super duper!

“Ha!? Hala, sige, papunta na ako d’yan. Sabihin mo, huwag niya na muna tapusin.”

Bwisit naman talaga!

Kumakanta ngayon si Dean! Hindi ko alam na kasama pala siya sa program. Aba! Kung alam ko lang ay hindi ko malilimutan ang paggising nang maaga. At! At hindi ko alam na kumakanta siya! Hindi naman ‘to nabanggit nina Kurt. At bakit hindi binanggit sa akin ni Dean kahapon? At bakit hindi nabanggit ni Alfonso na kasama siya sa program?

Ngayong araw na nga ang pagkakataon na mapakinggan siyang kumanta, hindi ko pa nagawa!

“Mommy, aalis na po talaga ako. Marami namang stalls sa school kasi foundation week ngayon e! Bakit ko kasi nakalimutan?” malungkot pero nagmamadaling sabi ko kay mommy. “Promise, mag-aalmusal ako sa school, may pancake naman do’n e o kaya rice sa canteen. Bye, mwa!”

Hindi ko na pinagsalita si mommy at mabilis na lang akong lumabas ng bahay. Nag-tricycle na lang ako para mabilis kahit medyo mapamahal. Kapag nag-jeep ako, maglalakad pa ako. Baka mas lalo akong walang maabutan.

Five minutes lang siguro ay nakarating na ako sa school. Sinabihan ko talaga si manong na bilisan. Nag-abot na lang ako ng 50 pesos kahit alam kong 40 lang, hayaan mo na!

Pagkapasok ko sa quadrangle ay napakaraming estudyante ang nakaupo. Agad akong tumingin sa stage kung nandoon pa si Dean pero wala na. Kainis!

Argh! Nagsisisi pa rin talaga akong hindi ko nasabi kina mommy na iba ang sched ko today, ano ba ‘yan!?

Dahil wala naman na akong magagawa, hinanap ko na lang ang pila ng section ko, at hanapin ang mga kaibigan ko. Nakita ko rin naman na si Rhaya at Avery na kumakaway at agad akong lumapit sa kanila.

“Hindi mo naabutan ang performance ni Dean, girl!” si Rhaya na nagbigay pa ng space para makaupo ako sa tabi ni Avery at Sofia.

Sofia—Allysa—Avery—Rhaya

Gan’yan ang p’westo namin. Nasa pangalawang row kami kasi ayaw raw nila sa harap. Psh!

“Kaya nga e, nalulungkot talaga ako, super! Bakit kasi hindi sinabi sa akin ni Alfonso na may performance pala siya? I mean, na part ng program si Dean. Edi sana baka alas-siete pa lang ay nandito na ako sa school.”

One Week and Four DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon