Day 05

23 7 5
                                    

"Ahh kuya... dito tayo!" Nag-grab na lang ako para sigurado talagang doon ako mapapadpad sa bahay nina Dean. Nilagay ko lang ang address na sinend niya sa akin at go na.

Maya-maya lang din ay nasa tapat na ako ng gate nila. Ito nga 'yon dahil may nakalagay na LACSON na bakal sa gilid na bato rito. Nagbayad na ako at hinintay na makaalis ang sasakyan bago tuluyang maglakad.

Teka! Wala na sa plano ang mga nangyayyari ngayon ah!

Umaayon na sa akin sa ang pagkakataon at panahon! ARGH!

Unang doorbell.

Pangalawang doorbell.

Sa pangatlong doorbell na ginawa ko ay doon pa lang lumabas ang kasambahay nila. Nasabi ko agad na kasambahay iyon dahil sa suot. Hindi naman ako judgmental, 'no? Para akalaing kasambahay ang isang tao, duh?

"Good morning, ma'am! Kanina pa po kayo hinihintay ni Ma'am Julie..."

Ngumiti ako sa kaniya at binati rin siya. Tuluyan na akong pumasok at talaga namang nakakamangha ang laki ng bahay nila. Hindi naman 'yon super laki, like malaki pero ang laki!

Nang makapasok na ako sa mismong bahay nila ay bumulaga sa akin si Mrs. Lacson. Ang ganda niya talaga! Nakapormal siyang damit habang may apron sa pang-ibaba.

"Hi, Allysa!" Mabilis ang pangyayari at namalayan ko na lang ay nakayakap na siya sa akin. Gumanti ako at niyakap na lang din siya. "Nahirapan ka ba sa pagpunta mo rito? Kanina ka pa namin hinihintay kaya ang akala ko ay naligaw ka na, hihihi!"

"Hindi naman po, traffic lang po sa iba naming dinaanan kaya medyo natagalan po," sagot ko at ngumiti.

Hinayaan na niya akong makapasok at maupo sa isa sa mga upuan sa dining area nila. Doon na lang daw muna kami since nagluluto pa siya at gusto niyang magkwentuhan kami. Nagtanong na rin siya about kay Alfonso. Nakalimutan pa ang pangalan...

"Ahh si Alfonso po..."

"Alfonso pala... oo nga pala! Hindi ba siya pinayagan?"

"Hindi naman po, Mrs. Lacson. Kaso nga lang ay kailangan po nilang mag-ayos sa school dahil po bukas ay foundation week na at Student Council po ang may hawak no'n kaya super busy po talaga siya."

"Ahh oo nga pala! Nabanggit nga sa akin ni Dean ang event n'yo sa school starting tomorrow," binalik niya ang atensyon sa pagluluto.

Hindi na ako nagsalita at nilibot ang paningin sa kabuuan ng bahay nila. Sobrang linis. Sobrang bango. Sobrang ganda.

Sa mesa ay naroon na ang ibang breakfast. May pancake, cake, cereal, and fruits.

"Nasaan po pala si Dean? Tulog pa po?"

Hindi man lang pinaghandaan ang pagdating ko? Psh!

"Nando'n sila sa court, tuwing linggo kasi talaga ay naglalaro sila nina Kurt at Echo. Pasensya ka na ha, matatapos na rin 'yon..."

"Ahh okay lang po. Natanong ko lang po."

"Gusto mo bang puntahan-"

One Week and Four DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon