Day 09

17 7 5
                                    

“Class dismissed!”

Nakayuko akong lumabas ng room namin at hindi pinapansin ang kahit na sino. Kahit mga kaibigan ko ay hindi ko magawang kausapin at ganoon din sila pero alam kong dahil lang ‘yon sa may klase kami. Alam kong mamaya ay magtatanong na sila kung ano ang nangyayari sa akin.

Gusto ko nang umuwi! Mommy, pasundo ako!

Binilisan ko ang paglakad para hindi na ako maabutan pa ng mga kaibigan ko. Pero kahit ata anong takas ang gawin ko ay maabutan pa rin nila ako. Nasa tabi ko na si Avery e, nang may maramdaman akong malapit sa akin.

“Diretso na ba tayo sa quadrangle? Doon na tayo mag-lunch,” suhestisyon ni Rhaya.

“Girl, tingnan mo may problema.” Hindi pinansin ni Avery ang sinabi ni Rhaya at bigla na lang inilipat sa akin ang atensyon. “Tungkol pa rin ba ‘to sa kahapon?”

Hindi ako nagsalita.

“Gaga! Ang init pa. Sa canteen na muna tayo mag-lunch…” Umuna si Alfonso sa paglalakad. “Kuwentuhan ninyo ako sa nangyari kahapon ah. Ayaw kong makitang gan’yan si Allysa at hindi ako sanay.”

Ganoon nga ang ginawa namin. Hindi pa rin ako nagsasalita hanggang sa makarating kami sa canteen. Kahit si Sofia na pinakamalapit sa akin ay hindi ako magawang kausapin. Gagawin niya lang ‘yon kapag kaming dalawa na lang.

Kahit gusto ko na ang umuwi ay alam kong hindi ko magagawa. Hindi naman ako papayagan ng mga ‘to ‘no? Idadahilan nila na minsan lang ang foundation week at lalo na ang mangyayari mamaya.

Ang mangyayari mamaya… Makikita ko na naman si Dean.

Iniisip ko pa lang na makikita ko siya mamayang mag-perform ay kinakabahan na ako. Kinikilig ako kahit hindi naman dapat.

Ano ang ginagawa mo sa aking lalaki ka!?

“Oh ano nga ang problema?” Ang mahabang table ang inokupa namin dahil kaunti lang ang tao dito sa canteen. Ang lahat kasi ay sa quadrangle nagliliwaliw at sinusulit ang mga stalls na nandoon.

“Lovelife,” si Avery ang sumagot.

“May lovelife ka na?” tanong ni Alfonso.

“Gaga! Ang Dean pa rin.”

“Oh ano nga ang prob?”

Si Rhaya at Sofia ang nagkuwento. Hindi naman nila agad inumpisahan sa akin. Lahat ng nangyari kahapon ay nabanggit nila. Maging ‘yung paggawa namin sa bahay nina Dean hanggang sa pag-aming ginawa ko.

Wala akong mukhang maiharap. Sobrang nakakahiya. Dapat ba ‘tong gawing big deal? Hindi naman dapat pero pakiramdam ko ay napakalaki ng problema ko. Maswerte na lang ako na hindi ini-invalidate ng mga kaibigan ko kung ano man ang nararamdaman ko.

“Oh, my God!” exclaimed Alfonso. “Wait lang ha, processing…” Hinawakan niya pa ang sentido niya at pumikit. “Alam kong hindi nito masasagot ang problema mo pero ask ko lang, sino nga ba ulit ang nag-dare sa’yo ng kalolokohang ‘to?”

“Ako,” diretsong sagot ni Avery.

“Ay, wow! Proud ka pa,” si Alfonso. “Bakit si Dean?”

“E kasi nga alam kong crush niya si Dean, happy crush gano’n…”

“Ahh…”

Nagpapalipat-lipat lang ang tingin ko sa kanilang dalawa. Dinipensa ni Avery na hindi naman daw niya alam na seseryosohin ko ‘yung dare na ‘yon e.

E hindi ko rin naman alam na ma-eenjoy ko siya!

Hindi ko rin alam na lalala ang nararamdaman ko… na magkakagusto talaga ako sa kaniya.

One Week and Four DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon