Day 11

41 8 4
                                    

Kaliwang mata.                           

Kanang mata.

Kaliwang mata ulit.

Kanang mata.

Ramdam na ramdam ko pa rin ang pagod. Alam kong ang ulo ko ay nasa paanan na ngayon ng kama dahil nararamdaman ko ang mga paa ko sa unan.

Minamahal kita~~

“Acckkk!” tumili ako sa kama ko, sa unan para maging tahimik ‘yon.

Kahit late naman na akong nagising, alam ko namang umaga pa rin, ‘no?

“Bakit kailangang kantahin ‘yon habang nakatingin sa akin? Bakit? Haaayy!” kinakausap ko ang sarili ko. “’Di ba? P’wede namang sabayan niya na lang ‘yung kanta, nakatingin sa stage tulad ng mga ginawa niya sa iba pa… bakit kailangang sa akin nakatingin? Bakit? Kung gusto niya talagang may tingnan, tingnan niya si Echo, total pareho silang abno. O kaya si Kurt, dahil wala namang pakialam ‘yon sa paligid niya, baka sabayan pa siya!”

Nakadapa lang ako nang marinig kong may kumatok. Si mommy ‘yon. Siya lang naman ang kumakatok sa kuwarto ko.

“Baby, are you still asleep?” tanong niya at binuksan ang pinto. “Mukhang puyat na puyat ka ah… matulog ka pa kaya? Late ka na nakauwi kagabi.” Umupo siya sa kama ko.

“Hindi na, ma. Gising na gising na rin po ako e.” Kinausap ko na nga sarili ko!

Almost 10 PM na ata ako nakauwi kagabi? 9:00 natapos ang con pero may mga ginawa pa kaming magkakaibigan after. Napagdesisyunan naming kumain na para pagkauwi ay diretso ligo at tulog na lang ako. Okay na rin, si Rhaya naman ang nag-initiate. Ang kaso nga lang ay kasama pa rin namin ‘yung tatlo. Hindi makahiwalay si Kurt kay Rhaya e.

May hindi sinasabi ‘yung dalawang ‘yon…

Ganoon nga ang nangyari. Nilibre ni Rhaya ang lahat, kasama na ‘yung tatlo. Kahit na todo tanggi ‘yung tatlong lalaki ay hindi sila nanalo kay Rhaya dahil sasapakin sila niya kapag tumanggi sila sa libre nung babaeng ‘yon.

“Sige, bumaba ka na ro’n at mag-breakfast,” tumayo si mommy at hinalikan ako sa noo.

Hindi ko ugali ang maligo sa umaga. Ang routine ko ay diretso ako sa baba para uminom ng tubig at mag-almusal. Ganoon ang ginawa ko.

Kahit sobrang nakakapagod ang araw namin kahapon ay kailangan ko pa ring kumilos ngayon. Itutuloy namin ang pagtapos sa research dahil nga bukas na ang pasahan no’n. Kina Rhaya kami gagawa tulad ng nakasanayan at g na g na talaga.

Umiinom ako ng tubig nang marinig ko ang hagdang may bumababa. Si mommy’t daddy ‘yon at mukhang aalis sila. Pareho silang naka-office suit. Hindi naman talaga sabay ang oras ng pasok nila sa work pero this time ay mukhang may pupuntahan sila nang magkasama.

“Mag-breakfast ka na d’yan, Allysa ha. Si Manang na ang bahala sa’yo… Pupunta kami ng daddy mo sa school mo at may kukunin lang.” Nagbilin si mommy bago tuluyang lumabas ng bahay.

“Alis na kami, Allysa. Text ka kapag umalis ka na rin,” si daddy.

Nasabi ko naman na sa kanilang may project kaming gagawin kina Rhaya kaya alam na nila ‘yon. Nag-almusal na nga ako o brunch? Almost 11 AM na pala… Ang usapan namin ay 1 PM kami pupunta para matapos na talaga namin nang tuluyan.

Habang kumakain ay nag-chat si Sofia sa GC namin. Finorward niya lang ang announcement ng research adviser namin, sinasabing na-extend ang deadline. Nag-follow up din siyang hindi na kami tuloy ngayong araw at magpahinga na lang.

One Week and Four DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon