Day 08

16 7 3
                                    

“Ano pa kulang?”

“Oregano na nga lang…”

Ngayong araw ang designated para sa paggawa ng experiment namin. Dahil nga 30 minutes lang per subject kami ngayong foundation week, 12:30 pa lang ay dismissal na at ang natitirang oras ay para sa pagsasaya. Pero bakit? Bakit kami ngayon nasa palengke at namimili ng mga kakailanganin para sa research paper namin kay Medusa? Kasi nga, epal siya! Argh!

“Walang nagtitinda ng oregano dito sa palengke na ‘to. Sa’n sa tingn n’yo tayo makakabili?” si Sofia ang aligaga sa aming lahat. Dahil bukod siya ang leader namin ay siya ang nakaatang na magdadala no’n pero hindi raw kinaya at lanta na nang tingnan niya kanina bago pumasok.

Napagdesisyunan naming sa mall na lang bumili dahil sabi naman ni Rhaya ay mayroon daw doon. Ganoon nga ang ginawa namin. Ito namang si Alfonso ay may kailangan muna raw daanan sa school at may pinapapirmahan daw sa kaniya. Sumakay kaming lahat sa van ni Rhaya at dumaan muna ng school.

Si Alfonso na lang ang pumasok at naghintay na lang kaming lahat sa parking lot. Walang nagsasalita sa amin dahil nga nag-iisip kami kung paano namin magagawa ang research. Dalawang araw kasi ang aabutin ng experiment. E kung sa linggo na ‘yon, mahihirapan na kami kasi gagawa pa ng papers. Ano ba naman ‘yan!?

Nasa gano’n kaming estado nang may kumatok sa bintana. Pinagbuksan ‘yon ni Rhaya at bumungad sa amin si Kurt.

“Hi, Rhaya!” bati niya. “Hi, girls!” Tiningnan niya kaming lahat at saka ngumiti.

Gwapo rin ngumiti ah!

Hindi ko siya pinansin at agad na itinuon ang atensyon kay Dean na agad din napunta kay Echo dahil nakatitig siya sa akin. Walang reaksyon ang mukha at mukhang tulala pa.

“Pinapasabi ni Alfonso Agoncillo na mauna na raw kayo at kung kaya niya raw ay susunod na lang siya. Marami pang pinapagawa sa kaniya. Low batt din daw siya kaya hindi siya makapag-chat. Kapag nagkalaman daw ang phone niya ay agad daw siyang mag-tetext o mag-chachat. ‘Yun lang.”

“Okay, thanks!” Pagkasagot ni Rhaya ay sinara na niya ang pinto ng van.

Wala pang ilang segundo ay muling kumatok si Kurt at pinagbuksan naman siya agad.

“Saan kayo pupunta?” usisa ni Kurt. Hindi ko alam kung bakit kailangan niya pa akong ngitian at tumingin kay Echo at Dean. “Mukhang gagala kayo ah!”

“Anong gagala? Gagawa kami research—” Hindi natapos ni Rhaya ang sasabihin niya nang mag-ring ang phone niya at sagutin ‘yon. “Yes, mommy? Hala!” Kitang-kita ang lungkot at gulat sa mukha niya. Gano’n siya ka-expressive. “O sige, sige. Sa ibang bahay na lang kami. Okay! Thank you, mommy!” Binaba niya ang phone at malungkot na tumingin sa amin. “Hindi raw tayo p’wede sa bahay at mahina ang intenet connection today. May inaayos kasi sa area e…”

“Anong research ba gagawin n’yo? Yung kay Medusa?”

Ahh oo nga pala! Benevolence sila at malamang ay teacher din nila si Medusa.

Dahil ganoon ang scenario, malamang same ng deadline sa mga section namin. Nasabi kasi ni Medusa na lahat daw ng section na hawak niya ay pare-pareho ng deadline kaya wala raw kaming karapatang magreklamo. Napakasama ‘no?

“Sakto, gagawa rin kami! Tingnan mo nga naman ang pagkakataon oh! Sama-sama na lang kaya tayo? Ano sa tingin n’yo mga p’re?” Lumingon siya sa mga kaibigan at siniko.

“Okay lang, sige,” sagot ni Echo.

“Okay. Ipapaalam ko na kay mommy…” Agad na nilabas ni Dean ang phone niya at may tinawagan. Lumayo siya kaunti pero kahit na ganoon ay narinig ko pa rin ang name ko.

One Week and Four DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon