Day 03

18 8 3
                                    

Hindi ko alam kung tama pa ba ‘tong mga pinaggagagawa ko. Pagod na pagod na ako tapos samahan mo pa ng kaba. Mag-iisang oras na kaming nag-ppractice para sa performance namin sa P.E. at ilang minuto na lang ay darating na si sir kasama ang Sections 2 at 3.

Kinuha kasi ni sir ang oras namin sa previous subject bago ang kaniya para raw mas makapagpractice pa kami. Ito pa ang malala, group one ako at malamang sa malamang ay mauuna kami sa pag-perform. Sana nga ay magkaro’n ng bunutan dahil lugi naman palagi ang group one no’n.

“Oy! Okay ka lang? Kanina ka pa nagsabi ng water break e kanina ka pa nakainom tas hindi ka na tumayo,” naupo sa tabi ko si Sofia matapos niyang sabihin ‘yon.

“E kasi naman kinakabahan ako. Most of the time pa ay nasa harapan ako. Sinusumpa ko talaga si Alfonso dahil dito sa mga pinaggagagawa niya,” mabilis na pagsasalita ko habang nagrereklamo.

“Alam mo ba kung bakit lagi kang nasa harapan?” Napatingin ako sa gawi ni Sofia nang sabihin niya ‘yon. “Ikaw kaya ang pinakamagaling sumayaw sa atin. Lalo na sa napuntang performance sa atin, swak na swak ‘yon sa’yo.”

Kahit papaano ay nabawasan no’n ang kabang nararamdaman ko. Salamat talaga, Sofia!

“Oh kayong dalawa? Tara na, tara na!” Umangat ang tingin ko sa sigaw na ‘yon ni Alfonso. “Last practice! Nag-text sa akin si sir at within ten minutes ay nandito na siya,” lahat kaming magkakaibigan ay nagsalubong ang mga kilay at napanguso sa sinabi niyang ‘yon.

Textmate sila ni sir?

“Oh, ano’ng mga tingin ‘yan?” Nang mapansin niya siguro ay agad siyang nagtaka rin.

“Textmate na kayo ngayon ni sir?” Si Rhaya ang agad na nagsalita.

“Echos lang! Hahahaha! Imagination ko lang ‘yon! You know, manifesting! Emsz!”

Sabay-sabay kaming nagtawanan sa sinabi niyang ‘yon. Nagtuloy kami sa practice at kahit papaano ay gumaan na ang pakiramdam ko dahil napuno man ng tawanan ang pagsasayaw namin ay naging maganda pa rin ang resulta. Lalo na at si Alfonso ang nagturo!

“Guys, nand’yan na si sir!” maya-maya ay sumigaw ang isa sa mga kaklase ko.

Lahat kami ay nahinto sa paggalaw at mabilis na naupo sa mga puwesto namin. Wala pang limang minuto ay nandyan na si sir. Nagtaka naman ako kung bakit wala ang Sections 2 at 3 e akala ko ba papanoorin kami?

“Ba’t wala ‘yung ibang section?” tanong ko kay Sofia. “Akala ko ba ay papanoorin tayo nina Dean?”

Mabilis na napatingin sa akin si Sofia nang sabihin ko ‘yon.

“Si Dean talaga? May mga kaibigan din tayo sa Section 3 at akala ko naman ay hinihintay mo rin sila. Pero anyways, sa tingin ko ay hindi tayo—”

Nahinto si Sofia sa pagsasalita nang magsalita sa harap si sir.

“Class, do’n tayo sa basement, sa training area for table tennis. Nando’n na ang Sections 2 at 3 at kayo na lang ang hinihintay. Sorry, hindi ko agad nasabi,” ngumiti si sir kasabay no’n. “Sige na, sabay-sabay na tayo sa pagbaba.”

Dinugtungan pa ‘yon ni sir na iwan na lang namin ang bag namin at dalhin na lang ang ilang mga kakailanganin. Nagdala ako ng tubig, ballpen at notebook sa P.E. Si Sofia na lang ang pinagdala ko ng pamaypay at pagkain namin at mag-shshare na lang kaming dalawa.

Nanguna na rin si Alfonso sa pila para maging maayos ang pagbaba namin hanggang sa basement. Nasa hagdan pa lang kami papunta sa basement ay naririnig ko na ang ingay na mula sa training area.

One Week and Four DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon