Princess Irish's POV
BADTRIP TALAGA!!!!!
Badtrip ka Asheen,sobra. Di mo alam kung anong mangyayari sa akin.
Urghhh.....kainis ka talaga,papatayin kita...
Nandito ngayon ako sa bahay. After ng pagpahiya sa akin ng kumag na yan I decided to go to house na lang.
Mahirap na baka masigawan ko pa sila mga nakakainis sa school.
Pumasok kaagad ako sa kwarto ko. I lock the door.
Inihagis ko ang mga gamit ko due to my frustration.
"kainis ka,kainis ka,kainis kaaaa"sigaw ko. Medyo lumalabo na ang paningin ko. Sumandal ako sa pintuan at umiyak
"you're a crap Asheen,a really crap" I said between sobs
Di niya alam kung ano ang epekto nito sa akin.
Kung anong klaseng monster ako kung magalit at masama pa ang ginawa niya........
Di niya alam........
*******
Asheen's POV
Pagkatapos ng nangyari kanina sa hallway halos lutang ang utak ko. Mababaliw na ata ako sa kai-isip kung bakit siya nagalit.....
Siguro naman hindi dahil yun sa video......
Pero bakit naman. Video lang naman yun eh,tsaka kilala ko siya she never gonna take it seriously.
Paano ko naman malalaman kung bakit siya galit,ni hindi nga ako makalapit sa kanya.
Umuwi na kasi siya after nung nangyari.
Pero I got to find a way......
Asheen ,think,think,think.....
Kailangan mo gamitin ang brain powers mo......
*ting*
*lightbulb*
Kakausapin ko sila Michelie at Anica. Alam kong matatalik silang kaibigan.
Hinanap ko na sila. Hayssss. Hussle eh,kung hindi lang kailangan eh di ko talaga gagawin to.
Ang lawak-lawak ng campus eh. Ano nga bang couse nila....
Ahh,sa engineering. Buti na lang nakwento to ni Irish.
Pumunta na ako sa engineering building. Nasa ibang building ako eh, hrm kasi course ko.
Sakto namang nakita ko na sila na kakalabas palang ng room. Tinawag ko na sila....
"Michelie,Anica"agad naman silang lumingon. Lumapit ako sa kanila. Nakataas kilay naman silang dalawa.
"Anong kailangan mo ha?"-Michelie.taray niya ha. Kahit kailan naman talaga eh,di ko alam kung bakit palagi silang ganyan.
"uhmmm...gus-gusto ko sana itanong kung.....uhmmm..ano kung ano.."
"ano ka ba ha,sabihin mo na kasi,sayang oras" ani ni Anica sabay tingin sa kanyang relo.
"itatanong ko lang sana kung bakit siya galit sa akin eh"sabi ko.
"ulyanin ka ba ha,isipin mo nga ginawa mo"Anica.
"ilang beses ko na yang ginawa pero wala talaga akong idea eh"
They just sigh......
"sige na,nakakaawa ka eh. Bobo kasi....."sabi ni Anica
"tsk.tama. Kaya nagalit siya sa iyo dahil sa video....."pagpapatuloy naman ni Michelie
Sabi na nga ba eh pero bakit?
"...bakit?dahil napahiya mo siya. Pinahiya mo sa lahat. Alam kong ang babaw pero di mo siya kilala at alam......"
Ang bobo ko. Of course yun talaga ang dahilan. Dini-deny ko lang talaga..
"nagka trauma siya dahil nung bata daw siya,palagi siyang pinapahiya ng mga kaklase niya noon kaya ngayon sa ginawa mo bumabalik na naman siya sa dati......"
"bakit naman. Ano naman siya dati...."sabi ko na kinakabahan.
"dati daw....umiiyak siya at nagwawala. Para daw siyang monster nun. Sinisigaw daw niya na papatayin daw niya ang nagpahoya sa kanya. Di na rin siya nakakapasok sa school nun at almost a month daw bago nawala ang tdauma niya"what have I done.
Ginawa kong monster ang mabait na babae.
Ang tangi kong kaibigan.....
Bobo ko talaga....
Kung alam ko lang sana....
Napasabunot na lang ako sa buhok ko.
"next time kung ayaw mong may magalit sa iyo,isipin mo muna ang nararamdaman nila bago ka gumawa. Ngayon,wala ka nang magagawa,nangyari na...."sabi ni Michelie ng mababang tono.
Tama siya, dapat talaga hindi ko na lang pinost iyon. Di ko iniisip ang mararamdaman niya. Iniisip ko lang ang magpapaligaya sa akin.
"ang tangi mo lang magagawa Asheen,eh mag sorry sa kanya. Yun lang."aniya.
Sorry lang talaga,pero papakita ko sa kanya na sincere ako. Na pinagsisihan ko na lahat.
Kaagad-agad akong tumakbo papalabas ng building. Di ko na sila pa inintindi. Gusto ko lang intindihin ang pagpapatawad sa akin ni Irish.
I need her as my only friend.......
*******
Nandito na ako sa bahay nila Irish. Kumatok na ako sa pinto nila. Binuksan ng maid.
"ano po sir kailangan niyo?"pagtatanong niya
"kailangan kong makausap si Irish niyo"
"bakit?,kaano-ano niyo po ba siya ha?"pagtatanong niya
"kaibigan niya" I boringly said.
Pinapasok na ako ng maid.
"sir kung puntahan niyo na lang po kaya siya sa kwarto niya. Kanina pa po kasi siya di lumalabas at parang nagsisisigaw po siya eh,check niyo na lang po." inutusan pa ako eh.
Pumunta na ako sa taas,sa kwarto niya.
Naalala ko na dito ko siya nakitang sumasayaw. Na dito ko siya vinideohan. Na sana di ko na lang ginawa.
Kumatok ako sa pinto ng kwarto niya. Walang sumasagot. Kumatok ulit ako at wala pa rin.
"Irish,are you there ako ito si Asheen" wala pa ring sumasagot. Medyo kinakabahan ako.
I decided na tawagan ang mga maid dito at bigyan ako ng susi nila. Ibinigay na naman nila at binuksan ang pinto ng kwarto ni Irish.
Ang gulo ng kwarto niya. Nagkalat ang mga gamit niya at bubog ng flower vase niya. Ang dilim din.
Dahil sa akin,nagkakaganito siya. Nakaka-guilty eh.
Wala siya dun. Kaya pumunta ako sa banyo ng kwarto niya.
Tumambad sa akin ang basang-basang Irish na walang malay.
Humingi naman ako ng tulong sa mga maid na dalhin namin siya sa ospital.
Dinala na namin siya sa kotse at pinaandar ito as fast as we can.
Kung di ko ginawa.......
Di sana siya ganito.......
Bobo ko kasi eh.........
Kahit kailan naman.....
Nadadala ko ang asal ko sa magulang ko sa iba.....
Sana okay siya at sobrang nagsisisi na ako....
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend kong Chubby
Подростковая литератураpaano kung magka boyfriend ka pero isang di katulad mo. isang mataba at mukhang baboy can you pick him?