Prologue

25 2 2
                                    

“How could you be so heartless!” Malakas na kanta ni Trixie Chlae o Trix sa lyrics ng kantang Heartless habang naliligo.

“Ang ingay mo, Inday!” Sigaw naman sa kanya ng ate niya mula sa labas ng banyo.

“Ang panget mo!” Asar niya pa dito.

“Shaddap!”

“Huwag kang mang-aagaw ng line!”

“Wala akong pakielam!”

“Ako lang may karapatan sa shaddap na word!”

“At sino naman nagsabi?”

“Si Killer B!”

“Sino naman ‘yon?”

“Tropa namin ni Naruto!” Sabi niya tsaka humalakhak.

“Baliw ka! Ewan ko sayo!” Sumusukong sabi na lang ng ate niya.

“Ang ingay niyo.” Narinig niya namang reklamo ng nanay nila na mukhang kadarating lang mula sa salon.

“Astig ng hairlalu niyo, ‘Ma.” Narinig niyang bati ng ate niya sa mama nila bago niya pa buksan ang shower at ipagpatuloy na ang paliligo.

Nagulat pa siya ng makita ang itsura ng mama nila pagkatapos niyang maligo at lumabas ng banyo.

“O ‘Ma, pang-kontra bida lang po ang peg natin ah.” Bati niya dito tsaka ito hinalikan sa pisngi. Wala na kasi ang dating mga kulay puting buhok nito at napalitan na iyon ng kulay reddish na brown.

“Sabi nga rin ni Kim.” Tukoy ng mama niya sa baklang kaclose nila sa salon. “Hinahanap ka pala nila tsaka si Bunso.” Bunso ang endearment nila sa kapatid nilang bunso tutal ay bunso naman talaga ito.

“Sa susunod na linggo na lang po ako magpapa-treatment. Sabay na lang po kami ni Bunso.”

Bago pa ito tumalikod ay tumingin pa ito ulit sa kanya. “May lakad ka?”

“Kapag maaga pong naligo, aalis agad?” Sagot niya naman na tinawanan lang ng mama niya.

“Di po ba pwedeng mabaho lang talaga siya dahil nung isang araw pa last na ligo niya?” Singit naman ng ate niya na lalo pang ikinatawa ng mama nila.

“Ewan sa’yo, Ate!”  sabi niya tsaka na dumeretso sa kwarto niya para magbihis.

Ganoon lang sila palagi ng kanyang pamilya. Apat silang magkakapatid. Ang mama lang nila ang kasama nila sa bahay dahil nagtatrabaho sa ibang bansa ang papa nila. Ang mama niya ay isang housewife pero paminsanminsan ay nananahi ito ng damit. Ang ate Lerizza niya ay graduate na at nagtatrabaho sa isang IT Company. Ang kapatid niyang lalaki na si Anderson na sumunod sa kanya ay nag-aaral pa at kumukuha ng kursong BS Computer Engineering. Ang bunso naman nilang kapatid na si Anneycia ay graduating na ngayong taon sa high school. Habang siya ay third year college na sa kursong BS Tourism Management.

Metanoia: Heart's WhisperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon