Chapter 11

3 1 0
                                    

Chapter 11: Sincerely

"Ayiee!" Asar kila Trixie at Steffen ng mga pinsan niya pagkababa nila ng sasakyan nito.

"Ang papanget niyo." Sabi niya lang tsaka na naglakad papunta sa mga magulang, tito, tita, lolo at lola nila. Narinig niya ang mahinang pagtawa ni Steffen sa likod niya. "You're liking this, huh?"

"Actually, I'm loving it. Boto sakin ang buong angkan mo." Tudyo nito.

Inirapan niya lamang ito. Nagmano at humalik siya sa mga kamag-anak nila na nandoon. Kasalukuyan silang nasa puntod ngayon ng Tito Alley niyang pumanaw na. Dumalaw muna sila doon bago dumeretso sa La Union para sa outing nilang mag-anak.

Kasama rin nila si Steffen dahil na rin sa kagustuhan ng mga magulang at iba niyang kamag-anak na isama ito. Alam na rin kasi nila na official na itong nanliligaw sa kanya simula noong engagement party ng Ate Lerizza niya.

"Bakit ngayon lang kayo?"Tanong ng Papa niya pagkatapos magmano dito ni Steffen.

"Natagalan po kasi ako sa office Pa." Sagot niya dito.

"Nagpasa ka na ng resignation letter?" Tanong sa kanya ng Ate Lerizza niya mayamaya na ang mga magulang niya at si Steffen lang ang nakarinig.

Nagkatinginan sila ni Steffen dahil tama ang Ate niya. Ito kasi ang nagsama sa kanya kanina.

"Yes, Ate." Kunwari ay balewalang sabi niya.

"Sigurado ka na ba talaga diyan, anak? Dalawang taon ka pa lang sa pagiging FA, hindi ka ba nanghihinayang?" Paniniguro pa ng Mama nila.

"Yes, 'Ma. Alam niyo naman ako. Magulo ang utak ko. Pabago-bago." Nakangiting sabi niya dito.

"Kaya hindi ka nagkaka-boyfriend. Mabilis kang magsawa." Biglang sabi ng Ate niya.

Napansin niyang marahan itong siniko ng Mama niya at tumingin kay Steffen. Napatingin din siya dito at hulinghuli niya itong nakatitig sa kanya. Umiwas siya ng tingin at tumingin na lamang sa Mama at Ate niya.

Nilakihan niya lang ng mata ang Ate niya. "Wait lang, 'Ma ha. Kausapin ko lang si Tito Alley." Sabi niya sa Mama niya at muling tumingin kay Steffen. "Ikaw? Gusto mo doon ka muna sa mga pinsan ko? Tutal naman diba BOTO sila sayo?"

Natawa lang ito sa sinabi niya at tumango.

Na-late nga siguro talaga sila ng dating dahil busy na ang mga Tito, Tita, mga pinsan at mga kapatid niya sa kanya kanyang ginagawa. Ang iba ay nagkukwentuhan, nagtatawanan at nagkukulitan. Ang Lolo at Lola niya naman ay kausap ang Tita niya na asawa ng Tito Alley niya. Habang ang mga magulang niya naman ay kakwentuhan pa rin ang Ate niya at ang fiancé nito. Hindi niya na napansin kung saan nagpunta siSteffen dahil panigurado namang hindi ito maiinip sa makukulit niyang mga pinsan.

Lumapit siya sa puntod ng Tito Alley niya. Nilapag niya ang bulaklak na binili para dito at pinagsindi ito ng kandila.

Metanoia: Heart's WhisperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon