Chapter 10

3 1 0
                                    

Chapter 10: About You

“Paano kayo napunta sa Japan?” Tanong pa ni Trixie kay Steffen kahit na parang sinisipa ang puso niya sa sakit.

“After Sara and Rico’s wedding, they went to Japan for their honeymoon. Pero pagkatapos ng isang buwan ay tinawagan ako ng asawa niya at sinabing magmadali akong pumunta doon. Pumunta ako at nagulat ako sa nadatnan ko. Nasa hospital si Sara at sinabi ng Doctor na bilang na lang ang araw niya. Pero kahit ganon ang kalagayan niya ay pinilit niya pa ring kausapin ako…

“She said that she’s still in love with me… and it made me happy. But then, she also said sorry because she can’t stay and fight anymore. She has leukemia and she’s dying. I don’t want her to suffer kaya tinanggap ko na lang kung ano man ang desisyon niya. Hindi siya totoong kinasal, pero pinagpanggap niya si Rico na pakasalan siya para kung meron man akong nararamdaman pa sa kanya ay hindi ko na iyon ipaglaban pa.”

Hindi alam ni Trixie kung ano ang dapat sabihin. She felt her heart tauten. Parang triple ang pagkakapiga noon dahil sa mga narinig dito. Una ay dahil sa nakikita niyang sakit sa mga mata nito. Pangalawa ay dahil sa kaalamang ang sakit na nakikita niya sa mga mata nito ay dahil sa babaeng sobrang mahal nito. At pangatlo ay dahil mahal niya ito.

Gusto niyang maasar sa sarili dahil pakiramdam niya ay ang sama niya. Hindi siya dapat nagseselos sa babaeng nagmahal ng sobra kay Steffen hanggang kamatayan. Wala naman silang relasyon ni Steffen kaya wala siyang karapatan.

“Lahat ng nagmamahal may karapatang magselos dahil ibig sabihin totoo ang pagmamahal na nararamdaman nila. Pero hindi ibig sabihin non kailangan mo ng magwala sa galit. Kadikit ng selos ang galit pero hindi dapat tayo nagpapadaig sa galit dahil pwedeng iyon pa ang maging dahilan ng pagkawala ng mahal natin.”

 

Naalala ni Trixie na sabi ng Ate Lerizza niya sa kanya.

“Then we meet again.”

Napatingin si Trixie kay Steffen nang sabihin nito iyon. Naramdaman niya na naman na parang may nagliligalig na mga daga sa dibdib niya.

“Wha-what’s with tha-that ‘we meet again?’” Nauutal na tanong niya dito at iniwas ang tingin nang hindi niya na matiis ang mga titig nito.

Kung kanina ay sobrang lungkot ng mga mata nito, ngayon naman ay medyo nabawasan na iyon at napalitan ng kasiyahan.

“You’re always there. Hindi ka mawala sa paningin at isip ko.” Sabi nito na lalong nakapagpawala sa mga daga sa dibdib niya.

Kanina lang nagkukwento ito ng mga bagay na nakapagpabigat sa puso niya at ngayon naman ay ang pagpi-fiesta ng puso niya. Hindi niya na alam kung kakayanin niya pa ba ang mga sinasabi nito kaya naman para maibsan kahit papaano ang kaguluhan ng puso niya ay pinairal niya ang malokong utak niya.

“Hindi talaga mawala? Baka may-nakikita ka na na dapple ganger ko na hindi ko alam ha.” Sabi niya. “Tsaka, teka nga. Sino ba ang laging kumakatok sa unit ko para mang-istorbo at makikain? Sa lagay eh parang panggulo ako sa maniac mong utak.” Dagdag niya pa.

Metanoia: Heart's WhisperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon