Chapter 9

2 1 0
                                    

Chapter 9: Still

 

“Thank you, Kuya Steffen.” Basag ni Anneycia sa katahimikan.

Nakita ni Trixie na napangiti si Steffen sa sinabing iyon ng kapatid niya.

“Yeah. You’re pretty too.” Binalingan ni Steffen si Anneycia.

Napanguso si Anneycia dito. “Plastic. Alam naman namin na kay Ate Trix mo sinabi yon.” Kunwaring pagtataray ng kapatid niya dito. Lalo pang napangiti si Steffen sa sinabing iyon ni Anneycia at muling tumingin kay Trixie.

Inirapan lang ni Trixie si Steffen. Araw ng Ate Lerizza niya ngayon at ayaw niyang agawin iyon dito. Oo, at kinikilig siya sa mga kinikilos ni Steffen pero may araw para doon at hindi iyon ngayon.

“Mukhang mahihirapan ka sa kapatid ko, Steffen. Pano ba ‘yan?” Pang-aasar ni Lerizza kay Steffen. “Sumunod na kayo sa baba.”

Lumapit ito kay Sven nang nakangiti. Agad namang hinawakan ni Sven ang kamay ni Lerizza. Bago pa lumabas ang mga ito ay tinapik ni Sven sa balikat si Steffen.

“Good luck, Steff.” Wika nito at tuluyan nang lumabas sa kwarto niya.

Walang imik na agad namang sumunod si Trixie sa dalawa.

“Nililigawan mo si Ate Trix?” Narinig ni Trixie na tanong ni Anderson kay Steffen nang hindi pa siya lubusang nakakalayo sa mga ito.

“Well, I like her.” Sagot lang nito sa kapatid niya.

Kebaridad! Huminahon ka puso, uy!

“Ay, paktay ka diha! Alam mo bang –“ Hindi na natuloy ni Anneycia ang sasabihin dahil muling bumalik si Trixie sa mga ito at inakbayan ang kapatid.

“Halika na, Bunso. Samahan mo akong paayusan ang buhok ko.” Sabi niya tsaka na ito hinatak palabas ng kwarto niya. “Pasara na lang ng pinto paglabas niyo, Anderson.” Pahabol ni Trixie bago tulyang umalis doon.

Dumeretso sila sa kwarto kung saan inayusan ang Ate Lerizza nila. Buti na lang at nandoon pa ang tatlong bakla na kinuha ng Mama niya na mag-aayos sa kanila. Tapos ng ayusan ang Lola at mga Tita nila. Halos tapos na din ang mga pinsan nila kaya naman agad na rin siyang naayusan ng buhok. Madali na lang din siyang natapos dahil nakapaglagay na din naman siya ng make-up kanina.

________________________________________

“Chlae.” Tawag kay Trixie ni Steffen nang paandarin nito ang sasakyan.

Hindi dapat siya dito sasabay papunta sa venue kung hindi lang dahil sa mga pinsan at kapatid niya. Napagtripan kasi siya ng mga ito at pinagtulungan na hindi makasakay sa sasakyan na dapat ay kasama ang mga ito. Hindi niya naman kasi nadala ang sasakyan niya dahil sasakyan ni Steffen ang ginamit nila kanina nang pumunta sila sa bahay nila.

Metanoia: Heart's WhisperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon