Chapter 7

7 1 0
                                    

Chapter 7: Hit

“Bourbon neat for me, Miss.” Sabi ni Steffen sa babaeng bartender pagkaupo nila ni Trixie sa tapat ng counter. Doon na lamang nila napiling umupo dahil dalawa lang naman sila.

“Blue Hawaiian na lang.” Order naman ni Trixie nang balingan siya ng bartender.

Pagkatapos kumain ng dinner nila Trixie at Steffen sa isang restaurant ay nag-aya pa muna ang huli na mag-chill sandali sa isang bar na malapit lang din naman.

“You don’t drink hard now?” Tanong kay Trixie ni Steffen nang magsimula ng timplahin ng bartender ang mga order nila. “Trauma because of what happened two years ago?” Tanong pa nito.

Inirapan niya ito. “Of course not.” Sabi niya at muling ibinalik ang tingin sa bartender. “Kung hindi mo alam, masama sa pagod at wala pang tulog ang uminom ng matigas na alak.”

“Matigas?” Nagugulumihan man sa kanyang sinabi ay napangiti pa rin ito.

“Bakit mapatigas man o hard, kapag ikaw ang nagsabi ang pangit pakinggan?” Tanong niya dito.

Saglit pang kumunot ang noo nito. “I don’t get you, Chlae.”

“Never mind.” Balewalang sabi niya na lang. “Maganda ako.”

Tumawa ito sa hirit niya. Bago pa ito makasagot sa kanya ay nilapag na ng bartender ang mga order nila.

“Steffen.” Tawag ng kung sino sa katabi ni Trixie.

Tinignan ni Steffen ang tumawag dito. “Erl.” Banggit naman ni Steffen sa mukhang wirdong pangalan ng lalaki na tinignan nito.

“Who’s this pretty lady here?” Tukoy sa kanya ni Erl. “Hi! I’m Kristof Erl.” Pakilala nito tsaka pa nilahad ang kamay.

“I’m Trixie Chlae.” Pakilala niya naman at tinanggap din ang nakalahad na kamay nito.

“Nice unique name.” Nakangiting sabi nito. “I hope you don’t mind me calling you Chlae?”

“I do mind.” Sabay pang napalingon si Trixie at Erl kay Steffen nang ito ang sumagot para sa kanya. “Ako lang ang may karapatan na tumawag sa kanya ng Chlae.” Halata sa boses ni Steffen ang pagkairita.

“Really, Trixie Chlae?” Muling bumaling sa kanya si Erl.

Hindi siya nakasagot nang mapansin ang pinipigilang inis sa mukha ni Steffen.

“Back off, Erl.” Sabi pa ni Steffen. Halata na sa boses nito ang iritasyon.

“Woah! You’re being possessive, dude.” Natatawang sabi naman ni Erl kay Steffen.

Metanoia: Heart's WhisperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon