Chapter 6

5 1 0
                                    

Chapter 6: Friend Zone

 

 

“What is the meaning of this, Trixie Chlae Vernez?” Galit na tanong ng Papa ni Trixie sa kanya.

“Hindi mo naman sinabi na kayo na pala ni Steffen.” Sabi naman ng Ate Lerizza niya.

“Anak…hindi niyo dapat ginagawa ang bagay na iyan dito.” Lumapit sa kanya ang Mama niya. “Dapat ay sa kwarto.”

Nanlaki ang mga mata ni Trixie sa sinabi ng kanyang Mama. “Ma! It’s not what you think!”

“Mommy!” Sita ng Papa niya sa Mama niya gamit ang endearment nito.

“Joke lang naman, Daddy.” Tsaka pa marahang tumawa ang kanyang Mama at hinarap siya. “Anak, ano ba kasi talaga ang nangyayari dito?”

“Ma, Pa, wala kaming ginagawang kababalaghan ni Steffen. Promise!” Sabi niya tsaka pa tinaas ang kanang kamay.

“Eh bakit nandito si Steffen at nakahubad pa?” Tumingin siya sa ate niya nang magsalita ito.

Nagkatinginan muna sila Trixie at Steffen bago niya kinwento sa pamilya niya kung paano itong nasa unit niya at naabutan itong nakahubad.

“Ikaw ba, hijo, ay hindi nanliligaw dito sa anak ko?” Tanong ng Papa niya nang matapos siyang magkwento.

Nakaupo na silang lahat ngayon sa harap ng hapag-kainan at sinisimulang kainin na ang niluto niya.

“Papa, naman. Magkaibigan lang po kami ni Steffen.” Sabi ni Trixie bago pa makasagot si Steffen

“Tama po ang sinabi ni Trixie, Tito.” Sang-ayon naman ni Steffen sa kanya. “Ngayon pa nga lang pong magkaibigan na kami, malupet na siya sakin. Paano pa po kaya kapag niligawan ko na siya, baka po apihin niya na ako at mawala ang dignidad ko.” Dagdag pa nito na ikinalingon niya dito.

At dahil katabi niya ito ay hindi ito nakaiwas nang kurutin niya ito sa tagiliran. “Gusto mo balatan kita ng buhay?” Kunwari’y pagbabanta niya dito.

Tumingin lang ito sa kanya at tumawa. “Tignan niyo na po, Tito.” Sabi nito nang muling tumingin sa Papa niya.

Tumawa lang ang Papa niya at iba pang mga kasama sa hapag.

“Nakakatuwa kayong dalawa.” Mayamaya ay sabi ng Mama niya. “Bagay kayo.”

Sa sinabi ng Mama ni Trixie y nag-init ang pisngi niya. “Ma! Don’t say bad words!” Kunwari ay suway niya naman sa Mama niya para pagtakpan ang nararamdamang pagkailang.

“Oo nga po, Tita.” Sang-ayon din naman agad ni Steffen. “Eh lalaki pa po magsalita itong si Trixie kaysa sakin.” Asar naman nito sa kanya.

“Sinasabi niyo lang ‘yan. Ganyan din naman sila Lerizza at Sven noon.” Wika naman ng Mama niya.

Metanoia: Heart's WhisperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon