Chapter 8

6 1 0
                                    

Chapter 8: Again

 

Nagising si Trixie mula sa napakahimbing na pagkakatulog dahil sa nagwawalang alarm niya sa cellphone at alarm clock na nasa bedside table niya. Pinatahimik niya ang mga iyon.

“Ayoko pa…” Ungol niya habang nakadapa pa rin sa kama.

Papikit na ulit sana siya nang bigla na namang mag-alarm ang cellphone niya. Wala na siyang nagawa at tamad na tamad ng bumangon mula sa kama. Dumeretso siya sa kusina at kumuha ng kutsarita at bote ng suka. Nilagyan niya ng suka ang kutsarita tsaka iyon isinubo.

Sa tuwing may flight siya ng alanganing oras at nahihirapang gumising ay ganoon ang ginagawa niya. Ginigising niya ang kanyang sistema sa pamamagitan ng suka.

“Ahhhh! Asim!” Sigaw niya at mabilis din namang tinakpan ang bibig ng marealize ang ginawang pagsigaw. Alas-dos pa lang ng madaling araw at ayaw niyang makabulabog ng tao.

Kakalapag pa lang ng kutsarita ni Trixie sa lababo nang may mag-doorbell sa unit niya at sinabayan pa ng katok sa pinto niya. Nagmamadali siyang pumunta sa sala at sumilip sa peephole at baka may nagising na nga siyang katabing unit at ngayon ay nagwawala na dahil sa pambubulabog niya.

Pero nagulat si Trixie nang ang nag-aalalang mukha ni Steffen ang bumungad sa kanya. Agad niyang binuksan ang pinto.

“Anong–“

“What happened? Are you okay? Are you hurt?” Sunod-sunod na tanong ni Steffen sa kanya habang titig na titig sa kanya at hawak siya sa magkabilang balikat.

Ay, naku po! Ang liwanag ng buhay!

“I’m okay.” Sagot niya naman at nakipagtitigan na rin dito. “Ano bang nangyayari sayo?”

Unti-unting nawala ang pag-aalala sa mukaha nito. “Thank God.” Tsaka pa siya nito niyakap.

Naramdamang kumabog ni Trixie ang puso niya dahil sa pagyakap ni Steffen. Wala siyang maisip na sasabihin kaya naman in-enjoy niya na lang ang masarap na pakiramdam na iyon. “I heard you screamed. Kala ko kung ano na ang nangyari sayo.” Marahan itong bumitiw mula sa pagkakayakap sa kanya.

Natawa si Trixie nang ma-realize ang dahilan ng pag-aalala ni Steffen. Nawiwirduhan naman siyang tinignan nito. Nilapit niya ang mukha dito at binugahan niya ng hininga ang mukha nito. Agad na nalukot ang mukha nito. Lalo siyang natawa sa itsura nito.

“Vinegar?” Tanong ni Steffen.

“Yeah. Pampagising ko kasi yan sa tuwing may flight ako ng madaling araw.” Paliwanag naman ni Trixie dito. Mukhang kadarating lang nito mula saan dahil nakapang-alis ito na damit. “Ikaw? Mukhang kakagaling mo lang somewhere.”

Nilakihan niya ang pagkakabukas ng pinto para makapasok ito.

“Actually tumakas lang ako sa mga kaibigan kong nasa bar pa rin hanggang ngayon. Papasok na sana ako sa unit ko nang marinig kitang sumigaw.” Sabi naman nito nang tuluyang makapasok at umupo sa sofa. “Anong oras ba ang flight mo?” Tanong pa nito.

Metanoia: Heart's WhisperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon