Chapter 5

16 1 0
                                    

Chapter 5: Topless

“You make me feel like I'm losing my virginity…The first time every time when you touch me…I make you bloom like a flower that you never seen…Under the sun we are one buzzing energy…” Kumakanta si Trixie habang naghihiwa ng mga rekado para sa lulutuin niya. Magluluto siya ng carbonara para sa mga magulang niya at mga kapatid na pupunta mayamaya lamang. Wala siyang flight ngayong araw kaya naman naisipan niyang papuntahin doon ang kanyang pamilya.

 “Cute.” Narinig niyang sabi ni Steffen mula sa bandang likuran niya.

Nang lingunin niya ito ay prente itong nakahalukipkip sa bukana ng kusina niya. Sandali niya pa itong tinignan at binalik nang muli ang pansin sa hinihiwang mga rekado.

Simula nang magkita silang muli at maungkat ang mga nangyari two years ago ay naging madalas na rin ang pagkikita nila. Madalas dahil madalas silang magkasabay sa elevator, magkasalubong sa lobby ng condominium building at kung minsan ay palabas siya ng kanyang unit habang ito naman ay papasok ng unit nito. Minsan pa nga niya itong nakasama sa pagkainan nang kasama itong pumunta ni Sven sa bahay nila dahil na rin sa imbitasyon ng kanyang Mama at Papa.

Sa mga munting pagkikita nilang iyon ay hindi na din naungkat pa ang mga nangyari two years ago dahil nagkausap na sila ng maayos nang sabihin niyang ang halik nito ang first kiss niya.

“I’m sorry.” Mukha naman sinsero ang paghingi nito ng paumanhin kaya hinayaan niya lang ito magsalita. “I don’t know that it was your first kiss. I thought you’re just like those girls I hang out with. No offense meant, pero iba kasi ang naging dating sakin ng tingin at ngiti mo noon.”

Nagtaka siya kung ano ang problema sa ngiti niya noon dahil natural naman ang ngiti na ginawad niya dito. “Medyo familiar kasi ang mukha niyo ni Sven noon kaya di ko maalis ang tingin ko sayo. Sayo lang din ako nakatingin noon dahil ayaw ko naman istorbohin si Sven sa panghi-hit sa ate ko. Hindi ko naman akalain na iba ang dating sayo ng tingin ko.” Paliwanag niya naman. “Ang ipinagtataka ko lang ay kung ano ang problema mo sa ngiti ko?”

Napatitig muna si Steffen kay Trixie bago ito nagsalita. “I don’t know. There is something in your smile. Maamo naman ang mukha mo pero sa tuwing ngingiti ka ay parang inaakit mo ako.”

Pinanlakihan niya ito ng mata. “Inaakit?”

“Maybe I really like you that time. Kaya madali mong nakuha ang atensyon ko kahit hindi mo naman sinasadya. Na pati sa simple mong pagngiti ay naakit ako.” Paliwanag pa rin nito.

At dahil din doon ay kumabog ang dibdib niya. Noon iyon, bruha! Paalala niya naman sa sarili. Right!

Kadirdir ka. Sige na.” Nasabi niya na lang.

“Am I forgiven?” Tumango lang siya sa tanong nito.

Lumapit ito ng kaunti sa kanya. “Friends?” Tanong ni Steffen at inilahad ang kamay para makipag-kamay.

“Sure.” Tinanggap niya ang kamay nito. “As a friend, huwag mong aasahan na mawawala ang pagkamasungit at pagkasuplada ko dahil ganoon talaga ako.” Sabi niya pa.

Metanoia: Heart's WhisperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon