Chapter 2

7 1 0
                                    

Chapter 2: Siblings

Two years ago…

Feckly –means almost, very nearly but not exactly.

 

How could life be so cruel when you couldn’t pursue a thing but then it’s almost there?

Napangiti si Trix pagkabasa sa kanyang tinype. Balak niya kasing gumawa na isang tragedy na kwento. Tungkol sa isang babae na may taning na ang buhay at natatakot na iwan ang kanyang pamilya. Hindi iyon love story kundi tungkol sa pamilya.

“Trixie Chlae! Kakain na tayo.” Tawag sa kanya ng mama niya mula sa labas ng kwarto niya.

“Opo ‘ma. Five minutes.” Sabi niya lang at muling nag-type.

 

How could you make it when you know you can’t make it but then you want to do it?

 

Ironic, isn’t?

 

How could life be so ironic?

“Hihintayin mo pa ba ang papa mo ang tumawag sa’yo?” Pagbabanta naman ng mama niya.

Walang nagawang tumayo siya tsaka binuksan ang pinto ng kwarto. “I love you, mama ko.” Sabi niya sabay halik ng matunog sa pisngi nito. Hindi sa kinakatakutan nila ang kanilang ama. Pero nakasanayan na kasi nilang sabay-sabay na kumain tuwing nasa bakasyon at Pilipinas ito. Nagtatrabaho kasi ito sa ibang bansa bilang isang OFW. Pero dahil nakagraduate na ang tatlo sa kanilang magkakapatid at gagraduate na rin ang bunso nilang kapatid ngayong taon ay tinatapos na lamang nito ang kontrata nito sa ibang bansa na hanggang sa isang taon na lang.

“I love you.” Malambing na sagot naman ng mama niya. Sabay silang bumaba sa hagdan patungo sa dining area nila. Nakaupo na doon ang Papa niya at mga kapatid niya.

“Ang tagal mo.” Halos sabay na reklamo ng ate niya at ng bunso nila.

“Ang panget niyo, Naaasar ako.” Natawa ang kanyang mama at papa pati na rin ang kapatid nilang lalaki sa pang-aasar niya sa dalawa. Umupo na rin siya sa upuang katabi ng sa ate niya tsaka kumuha ng kanin.

“Maganda ako. Sabi ni papa.” Mayamaya ay sabi ni Anneycia na bunso sa kanilang magkakapatid.

“Bumbay ka.” Asar niya pa.

“Maganda pa rin. Ikaw maganda ka ba?” Balik asar nito sa kanya.

“Oo. Sabi ni mama at papa. Ikaw si papa lang, ako with mama.” Sabi niya sabay halakhak at sinubo ang kanin na nasa kanyang kutsara.

Wala nang nasabi si Anneycia ng tumawa na rin ang mga magulang at kapatid niya. Hindi niya nga lang alam kung sa sinabi niya ba sila natawa o sa tawa niya mismo. Marami kasi ang nagsasabi na nakakatawa daw ang tawa niya at nakakaengganyong sabayan. Sa loob lang naman siya ng bahay ganon tumawa sa tuwing may inaasar siya sa mga kapatid o kahit sinong kamag-anak nila. Sa labas ay mas maayos ang tawa niya dahil malapit na rin siyang maging flight stewardess.

Metanoia: Heart's WhisperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon