Ano ulit ang sinasabi mo
Sumigaw ka pa nang malakas
Para marinig na tao ang kasinungalingang
Lumalabas sa iyong bibig.
Sige isigaw mo pa
Ano ulit ang gagawin mo sa amin
Sino ba talaga ang pinoprotektahan mo
Ibulong mo ang tunay na sagot
At isigaw mo pa
Isigaw mo ulit ang mga kasamaan
Na gagawin mo sa walang kalaban-laban.Traydor ka
Taksil sa sariling bayan
Ang diyos mo ay ang sarili mo.
Sindihan mo ang mitsa
Gagawa kami ng apoy
Kami naman ang sisigaw
Sige isisigaw namin
Ang iyong pagbagsak
At pagbangon ng bansa.Sumigaw ka at magmakaawa
Kami naman ngayon
Isisigaw namin ang kalayaan
Sige pa isisigaw namin.——
Sept 2
3:18 am
I can finally sleep
YOU ARE READING
Breathe Again
PoetryYou know what they say... we can try. || Collection of poems. || 2020