Siguro nga tama ka
Mali ang mag-asam na sana suklian niya
Ang oras at pag-ibig na nilaan mo sa kanya
Dahil hindi nagmamahal ang tao
Upang sa huli ay may matanggap na kapalit.Siguro tama ka na naman
Mali ang magmahal nang may pagdududa
Na sa bawat ngiti sa labi ay may pagtatanong,
May agam-agam sa dibdib na hindi maalis
Dahil hindi naman tayo nagmamahal
Para lamang matakot sa isang posibilidad
Na baka isang araw, magbago siya.At siguro mali ako
Tama naman na mahalin muna ang sarili
Bago ang ibang tao, ikaw muna parati
Dahil ito ang magpapatunay sayo
Na hindi isang lalaki o ang ibang tao
Ang may kakayahang bumuo sa iyo,
Ikaw at ikaw lamang.Ngunit ano ba ang alam natin sa pag-ibig
Ano ang lenggwahe na kanyang binibigkas,
Ano ang aral na kanyang itinuturo
Dahil sa huli, parang lagi akong dehado
Paulit-ulit natatalo at nabibigo
Bumabalik palagi sa umpisa
Para salubungin ang bakas na iniwan niya.At siguro mali na naman ako
Sa pag-iisip na makakalaya ako sa iyo
Sino ba ang may karapatan
Na sabihin kung ano ang tama sa mali
Kung ano ang nararapat sa hindi
Dahil ang mga taong nagmamahal gaya natin
Marunong magpatawad,
Nakakayang maghintay.Kaya ikaw,
Kapag naisipan mong bumalik ,
Sasalubungin kita kung saan ka lumisan
Nandito lang ako at laging naghihintay.—
1:43am kewl
April 13, 2020
YOU ARE READING
Breathe Again
PoetryYou know what they say... we can try. || Collection of poems. || 2020