Sandali

55 1 0
                                    

Bakit naman parang lagi kang nagmamadali?

Tuwing kasabay kitang maglakad pauwi
Laging ikaw ang nasa unahan at ako sa huli
Kahit na gustong gusto kitang makatabi
Hindi ka man lang huminto kahit konti.

Teka lang naman.
May hinahabol ka bang oras?
Sabihin mo lang naman.
Baka pwede kitang sabayan?
Sandali lang naman.
Sino ba ang iyong tinatakasan?

Kaya mo bang tumakbo mag-isa
Dahil kung hindi naman pala,
Kakapitan ko ang iyong kamay
At tatakbo tayo ng sabay.

Tatakasan natin ang oras,
Baka madaya natin ang araw na lumilipas
Nakawin natin ang natitirang sandali.

Hindi mo kailangan tumakbo mag isa
At makalimutan mo na may kasama ka pala
Dahil lagi lang naman akong naririto
Kaya kung pwede lang isama mo ako.

Sandali lang,
Hindi pa ako handa.
Sandali lang,
Bilisan nating tumakbo.
Sandali lang,
Pwedeng bang humirit ng isa pa.
Sandali lang,
May natitirang oras pa ba?

Ngunit napagod ka nang tumakbo
Huminto tayo at pinagmasdan ang paglubog ng araw.
Mahigpit ang kapit mo sa aking kamay,
Hinihintay na lang maubos ang nakaw na sandali.

Really a sucker for tagalog poems hahaha.

March 6, 2020

11:15 pm

Your lie in april~

Breathe AgainWhere stories live. Discover now