Kapag may umalis,
May dadating daw na bago.
Kapag may nawala,
Siguradong may papalit.
Kapag pinagsarhan ka ng pinto,
May panibagong magbubukas.
Kapag may nauna na,
Baka hindi talaga para sa iyo.Walangyang buhay 'to.
Siguro para sa iyo
Napakadaling sabihin,
Tanggapin ang pagkatalo.
Ang lahat ng pinaghirapan,
Lahat ng pagsisikap at pagtitiis,
Mauuwi lang pala sa wala.
Napakadaling tanggapin,
Ipaubaya ang lahat sa tadhana
Kahit pa oras at panahon ang nasayang.Kahit pa gumigising ka para sa pangarap,
Nilalabanan ang takot,
Ang hiya tuwing nagkakamali,
Mapapaisip ka na lang at magtatanong
Bakit ang hirap mong abutin?Iiyak sa isang tabi,
Tatanunging ang sarili,
Saan ka nga ba nagkulang?
Dumaam sa putik,
Lumusot sa butas ng karayom,
Bakit wala pa rin sa dulo?
Paulit-ulit tumatakbo,
Humihiling sa bituin,
Kailan ko makakamit ang sa akin?Sa huli, sinusukuan lang pala,
Inaamin sa sarli ang masakit na katotohanan:
Hindi lahat ng bagay nakalaan para sa iyo.Paano ba binibitiwan ang pangarap?
——
Sept 5, 2020
2:28 am
YOU ARE READING
Breathe Again
PoetryYou know what they say... we can try. || Collection of poems. || 2020