Chapter 7

1K 14 7
                                    

[ Arissa ]

Hanggang sa makarating na kami sa bahay ay hindi ko pa rin kinikibo si Eion at wala na talaga akong planong kiboin o kausapin pa siya. Hindi ko pa rin matanggap yung mga binitiwan niyang mga salita sa'kin kanina. Grabe siya kung makahusga parang wala ng bukas.

Agad naman naming iniakyat ang kambal sa kanilang kwarto. Nakatulog na ang mga ito dala na rin siguro ng kapaguran. Ikaw ba naman halos sakyan lahat ng rides sa EK. Pagod na pagod nga pati ako.

Akmang lalabas na ako sa kwarto ng mga bata ng magsalita si Eion.

"Hmm Arissa,can I talk to you for a minute..? tanong niya sa akin. Peru wala akong pakialam ni hindi ko siya tinapunan ng tingin. Nilagpasan ko lang siya. Peru hinawakan niya ang aking braso kaya napahinto ako. Para akong nakuryente sa kanyang pagkakahawak sakin.

"Arissa wait..I'll just need to apologized of what happened a while ago.." hingi niya ng tawad sa'kin habang nakahawak pa rin siya sa braso ko. Wala na akong planung makipag.away sa kanya kaya binalingan ko siya at tsaka palang niya binitiwan ang braso.

"Ok!" maikli kung sagot sa kanya. Pagod na pagod ako at wala na talaga akong balak pa na kausapin siya kaya yun lang ang naitugon ko sa kanya sa paghingi niya ng tawad sa'kin. Alam kung malaking effort na sa kanya ang paghingi niya ng tawad sakin. Sa isang tingin mo palang sa kanya alam mong wala sa klase ng pagkatao niya ang humihingi ng tawad. Peru wala  akong pakialam dapat lang naman talaga siyang humingi sakin ng tawad. Kung ano anong pinagsasabi niya sa akin.

" Arissa I mean it ok? hindi pa rin sumusukong sabi niya na lalo ng nagpapainit ng ulo ko sa kanya.

"I said okay already right?so it's fine.." irita kung sabi sa kanya. Hindi ko rin kasi maintindihan 'tong taong 'to eh. Di naman kami talaga close sa katunayan pa nga sinusungitan niya ako at pinahiya nung unang pagkikita namin. Kaya ngayon ewan ko kung anong iniinarte niya. Ano ba sa kanya kung di ko siya kausapin. Hay ewan ko lang talaga sa mga tao ngayon sobrang kumplikado di ko maintindihan.

"Arissa I know..that.." sinubukan na naman sana niyang magpaliwanag,peru di ko na siya pinatapos dahil talagang bwesit na bwesit na ako sa kanya. Hindi kasi makaintindi.

"Sabi ko nga na ok na diba? Ano pa bang gusto mong marining sakin ha? Okay na yun nangyari na,ang gusto ko lang manyari ngayon eh lumayo sayo at sana ganun ka rin ok? At tsaka tama ka naman, dun dapat ako nakikipag-usap sa mga ka level ko lang diba?Hindi naman kita ka level kaya di na ako makikipag-usap sayo SIR..!"  hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko at medyo lumakas ang boses ko. Bahala siya kung anong gusto niyang isipin. Kasalanan din naman niya dahil sinabihan ko na siyang okay ayaw makinig. Wala na talaga sana akong balak pa na maglabas ng sama ng loob sa kanya kaso makulit eh kaya bahala siya. Nakita kung nabigla siya sa mga sinabi ko sa kanya. Agad ko rin naman siyang tinalikuran pagkatapos kung makapagpalabas sa kanya.

Dumiretso na ako sa kwarto ko pagkatapos ng eksena namin ni Eion sa may kwarto ng kambal kanina. Mabuti nalang at hindi nagising ang kambal sa mga boses namin.

Hay ewan ko kung ano ba talaga ang gusto ni Eion kung bakit siya humihingi ng tawad,peru bahala siya wala na ako talagang pakialam sa kanya. Masyado na akong pagod sa mga nangyari ngayong araw para isipin pa ang motibo ni Eion sa pakikipagbati niya sa'kin. Yeah tama,motibo talaga dahil hindi naman kapani paniwalang humihingi siya ng tawad sa'kin eh.

Inaantok na ako kaya agad naman akong nakatulog pagkatapos kung magpalit ng damit.

[ Third Person ]

Maagang gumising si Arissa dahil swimming schedule na naman kasi nila ngayon. Nagtataka kayo kung bakit pati siya sumasama sa mga batang magswimming? Dahil wala naman siyang ibang ginagawa.Sa mga Bata lang talaga siya naka.focus kaya marami siyang oras pagwala ang mga bata or tulog ang mga ito. Kaya sa tuwing may ginagawa ang mga bata tulad nito. Sumasali siya, yun din ang rason bakit gustong gusto ng mag.asawa si Arissa dahil sobrang maalaga nito sa mga anak nila.

HER SPELLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon