[ Arissa ]
Maaga akong gumising sa sumunod na araw dahil schedule namin ngayon ng mga bata para mgswimming. Twice or thrice a week depende na rin sa lagay ng panahon,dahil kung sobrang init hindi ko sila pinapaligo at kung umuulan hindi rin. Madali lang kasing magkasakit ang kambal.
Kahit mag-aapat na buwan palang akong nagtatrabaho dito sa kanila,agad namang napalapit sa akin ang mga bata. Wala din kasi akong kapatid kaya sabik ako sa bata.
Hindi naman din masyadong alagain pa ang dalawa dahil mag.aapat na taon na ang mga ito sa susunod na buwan. Nabanggit nga pala sa akin ni Ma'am Aya na magpapatulong siya sa akin sa pa.oorganise ng birthday party ng kambal. At syempre pumayag ako, gusto ko rin namang makatulong.
February na pala ngayon so ibig sabihin sa mga susunod
na rin na araw ang birthday ko. Hay siguro ngayon ang pinakamalungkot na kaarawan ko dahil wala ang pamilya ko sa araw na iyun. Kahit naman mula ng lumaki ako eh wala ng celebration tuwing kaarawan ko,iba pa rin yung andiyan ang pamilya mo.
Natanong na rin ako ni Mam Aya kung anong balak ko sa birthday ko. Alam kasi niya na ngayong buwan na ito ang kaarawan ko dahil naitanong niya 'to sa s'kin noong kinausap niya ako para magpatulong sa birthday party ng kambal. Wala naman akong plano,siguro magsisimba lang ako sa araw na iyon.
Nakakahiya din naman sa kanila kung dito ako magcecelebrate ng birthday ko. Gusto nga ni Mam na gawin ko ang gusto ko sa araw na iyun bibigyan niya ako ng day off. Well may day off naman ako once a week kaso bihira lang talaga ako kung lumabas. Wala naman akong kaibigan dito,bukod sa mga kasamahan ko dito sa bahay. Tuwing day off ko ay nagkukulong lang ako sa kwarto ko magbabasa at manonood ng tv buong araw. Pwede naman din sana akong gumamit ng internet dahil binigyan naman ako nila ng Laptop para naman daw di ako magsasawa sa tv at libro tuwing off ko.
Peru kasabay ng paglisan ko sa Davao ay ang pag.deactivate ko sa lahat ng account ko. Ayaw ko kasing may access ang mga kaibigan at si mama sa akin,dahil baka malaman ni Papa pati sila madamay.
Hay kumusta na kaya si mama at pati na rin si Kyla miss na miss ko na talaga silang lahat. Lalo na ngayong malapit na ang kaarawan ko.
Kahit noong nasa Davao pa ako hindi naman bongga ang selebrasyon ng birthday ko. Minsan pa nga nakakalimutan ni Papa ang kaarawan ko dahil sobrang busy talaga siya sa kanyang mga negosyo.At si Mama naman kahit gusto niyang e.celebrate yung birthday ko pag ayaw ni Papa wala siyang magagawa. Ipinagpaalam lang niya ako kay papa pagumaalis ako ng gabi pag.birthday ko,mabuti at pumapayag naman si Papa dahil nga sa kaarawan ko kaya siya pumapayag. Naalala ko pa noong nakaraang taon ang pag.cecelebrate ko ng birthday ko kasama ang bestfriend kung si Kyla at iba pang mga malalapit naming kaibigan. Nanood lang kami ng concert ng isang paborito kung Pilipino Singer. Nagkataon din kasing may valentine concert siya sa Davao noon mismong gabi ng kaarawan ko kaya nanood nalang kami.
Flashback
" Oi AK alam mo bang may concert dito yung paborito mong singer sa mismong gabi ng birthday mo. Ano bang plano mo sa birthday mo ha?" bungad sa akin ng bestfriend kung si Kyla pagkapasok ko palang sa loob ng classroom namin.
"Paboritong singer? Sino si Adam Levine?" tanong ko naman sa kanya. Nanglaki ang mata ni Kyla sa tanong ko.
"Si Adam talaga te?tanga ka rin noh dito talaga sa Davao?Isip isip din tsong." panunuyang sagot ni K sa akin. Ito yung pinakagusto ko sa kaibigan kung ito eh magaling sa batohan at trashtalk.. Manang mana sa idolo niyang si Vice Ganda. Kaya pati ako nahawa na rin sa kanya. Sa totoo lang wala akong kaalam alam sa mga ganyang salita. Boring nga ang buhay ko noon ng hindi ko pa nakilala si K eh. Mabuti nalang at pinagtagpo kami kaya marami akong natututunan sa kanya. Ang ingay ingay nga naming dalawa pag magkasama kami dahil sa batohan namin ng mga salitang kung minsan walang kabuluhan. Peru syempre dito ko lang yun nagagawa or kung magkasama kami ni K,dahil bawal yun sa bahay namin. Magagalit si Papa pag narinig niyang nagsasalita ako ala Vice Ganda.