Chapter 3

1.4K 19 0
                                    

..continuation..

Alam kung di na naiiba ang storya kung ito sa mga kwento rin ng ibang kagaya ko,na ipinagkasundo ng mga magulang.Peru sa kwento kung ito ang pinakasakit ay ang itakwil ka ng sarili mong ama dahil lang sa kagustuhan niyang maipakasal ka sa isang lalaking ni minsan di mo nakilala,para lang sa kapakanan ng inyung negosyo.

Pagdating ko ng Manila bandang tanghali agad kung naisipang maghanap agad ng matutuluyan ,nagpahatid ako sa taxi sa may bandang Quezon Ave. Dun ko naisipang maghanap ng bahay na pansamantalang mauupahan habang maghahanap pa ako ng trabaho. Alam kung mahihirapan ako sa paghahanap dahil hindi pa ako nakapagtapos. Next year palang sana ako magtatapos kung wala ako ngayon sa sitwasyun kung ito.

Habang naglalakad ako may nadaanan akong vendor na nagtitinda ng mga street foods. Kaya naisipan kung huminto at bumili dahil bandang pananghali.an na rin naman.

"Ale pabili po ng fishball,magkano?"..tanong ko sa aleng nagtitinda ng fishball. Mabuti nalang kahit papaanoy nakatikim na ako ng mga street foods dahil mahilig dito si Kyla kaya di ako mahihirapang mag.adjust. Dahil simula ngayon kailangan ko ng magtipid sa pang,araw-araw kung gastos habang di pa ako nakakahanap ng trabaho.

"Ahh tatlo sampung piso Ineng."..sagot ng Ale.

"Tatlo po..salamat."..sabay abot ko ng sampung piso. Agad na din naman akong umalis pagkabigay sakin ng Ale sa fishball.

Naglakad lakad ako hanggang sa may makita akong isang Park,maraming mga batang naglalaro kasama ang kanilang mga magulang. Hindi ko naiwasang mainggit dahil ni minsan sa buhay ko di ko naranasang pumuntang ng Park kasama ang aking mga magulang. Busy kasi si Papa palagi sa kanyang mga negosyo at si Mama palaging nakasunod sa kanya sa kagustuhan na rin ng aking Ama.

Naupo ako sa may ilalim ng kahoy para naman di ako masyadong mainitan.

"Yanna..Yanna..give me back my balloon.."..dinig ko sa batang humahabol sa isa ring batang kamukhang kamukha niya.Kaya alam kung kambal sila.

"No this is my balloon now.."..sagot naman ng isang batang babae.Ang sarap nilang pagmasdan dalawa.

"That's my balloon,you have your own balloon too.."

"No this is mine now,you let it fall on the ground and I get it,so this is mine now..okay?"..sabay takbo ng bata sa may bandang likuran ko.Kaya hindi na siya nakita ng kanyang kakambal.

"Did you see my sister holding a balloon coming here.?..tanong ng bata sakin di kasi niya makita ang kanyang kambal na nasa may bandang likuran ko,dahil nakasiksik ito sa may puno.

"Ahm yeah she's here..."..sabay tayo ko para makita niya ang kanyang kapatid. Nagulat naman ang isang kambal sa bigla kung pagtayo kaya di na sa nakatakbo pa. Kaya kinausap ko siya.

"Baby,can you give back the ballon to your sister.?"

"No,this is mine!."..pagmamatigas ng bata.

"Baby did you know that Liars go te hell.?I heard you talking to your sister a while ago,you said it's her balloon. You just get it when it fell down in the ground."..sabi ko sa bata.

"But..okay..okay..but Ysabel promise me you will let me borrow it after you play okay?"..sabi niya sa kanyang kambal.

"Yes sure,,I will.."..sabi ni Ysabel. Sa tingin ko mas mabait 'tong si Ysabel kesa sa kanyang kambal.

"Yanna..Ysabel..my god kids,we are like crazy running around to find you..where have you been?"..sigaw ng isang magandang babae na sa tingin ko ito ang ina ng kambal.Hingal na hingal ito ng makalapit samin.Kasunod naman nito ang isang lalaking hingal din marahil ito ang Ama ng kambal.

HER SPELLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon