[ Arissa ]
Maaga akong nagising,di rin naman ako masyadong nakatulog.
Heto ako ngayon sa harap ng salamin kanina pa ako dito di ko alam kung anong isusuot ko.Kanina pa ako namimili ng maisuot,di naman karamihan ang dala kung damit pagpunta dito.Pero ang tagal kung makapili. Gosh magsisimba lang naman ako!
Pero siguro mamaya pupunta nalang muna ako ng mall pagkatapos kung magsimba,mamimili ako ng damit,okay lang naman sigurong magwaldas kahit konti.Total birthday ko naman.
Napili ko nalang isuot yun isa ko pang dress na knee level lang.Di naman siguro 'to masagwang tingnan sa simbahan,flat shoes nalang din ang isusuot ko para di masyadong maging maiksi tingnan.
Naglagay lang din ako ng light make up,para naman maging presintable akong tingnan.
Hay..siguro kung hindi si Eion kasama ko,di ako mag-eeffort ng ganito.Ayaw ko lang magmukhang yaya pagkasama ko siya,kaya ako nag-ayos.
Tama speaking of Eion,ready na kaya siya?Wala pa naman kaming napag-usapan kung anong oras kami aalis ngayon.Sana lang gising na ang lalaking iyon.
Pagtingin ko sa relo ko 7:30 am na kaya napagpasyahan ko ng bumaba,dun ko nalang hihintayin si Eion.
Pagdating ko sa baba nakita ko si Mam Aya sa may hapagkainan kaya pumunta muna ako doon para bumati.
"Good Morning Mam" bati ko sa kanya.
"oh hi good morning..Happy Birthday Arissa" sabay tayo niya at beneso ako.Pagkatapos may kinuha siyang paper bag.
"Arissa this is for you!" binigyan ako ni Mam ng regalo.
"Naku Mam Thank you,nag-abala pa kayo" swerte ko din sa mga amo ko ang bait.
"No worries Arissa,and here take this,that's from my husband." May iniabot siya sa akin na maliit na puting envelope na sa tingin ko ay pera.
"Naku Mam sobra-sobra na po 'to." ayaw ko na sanang tanggapin kasi nakakahiya na.
"No Arissa,you deserved it,okay? Just enjoy your day..bye.." agad na siyang naglakad palayo.Pero lumingon siya ulit sa akin.
"My brother is waiting for you outside." sabay kindat pang sabi ni Mam.Pero what?nasa labas na siya.So mas nauna pa siya sa aking bumaba.
Kinakabahan ako!
Paglabas ko nakita ko siyang nakasandig sa kanyang puting Audi R8 na sasakyan habang nakapamulsa. Siya na talaga ang mayaman,well mayaman ako noon.
Grabe ang gwapo niya,naka black na long sleeve siya na tinupi hanggang siko,tapos pants and shoes simple lang naman din ang suot niya.Pero gosh lakas makalaglag panty. Di ko makita kung tinitingnan ba niya ako kasi naka aviator siya.
Papalapit na ako sa kanya,mas lalo tuloy akong kinabahan.Hingang malalim Arissa.
"Hi good morning,sorry kanina ka pa?" bati ko sa kanya.Mabuti nalang nakuha ko pang magsalita kahit kinakabahan ako.Sana lang nasa mood siya para di masira 'tong araw na ito.
"Hi good morning,Happy Birthday..No it's okay don't worry..shall we?" nakangiti siya habang sinasabi niya yan kaya nakahinga ako ng maluwag.
Salamat at maganda ang gising ng lalaking ito.
"Sure" pinagbuksan niya ako ng pinto. Lakas maka.gentleman.
"Thanks" pumunta na din siya sa kabila.Nagsuot na ako ng seatbelt.Pero nahihirapan ako dahil nakapatong sa lap ko ang shoulder bag ko at ang gift na bigay ni Mam Aya.