[ Arissa ]
What should I do now?
Hanggang ngayon nakatayo pa rin kami! Di ko akalain na magkakaroon ng ganitong eksena ngayon. Simula kasi pagkababa ko di naman nagsasalita si Eion.Ngayon lang na paalis na kami.
"You will bring your car Zed?" Tinanong ni Mam Aya si Zed.
"Yes I will,why?" -Zed.
"Good Arissa will come with you." Nakahinga ako sa sinabi ni Mam.
"What?" -Eion.
"You and you go! Total magkikita-kita naman kayo sa bar." Tinuro ni Mam sina Rick at Eion.
"But why?she can co-" -Eion.Pero di na niya natapos dahil pinutol na ni Mam ang sasabihin niya sana.
"Stop it bro! Arissa will come with Zed..period!" Mabuti nalang talaga andito si Mam.Rick is fine,but Eion?
"F*ck!" What happen to him?magkikita pa naman kami sa bar ah.Nauna na siyang naglakad palabas at agad na umalis.Parang lilipad na siya eh.Ganun ba talaga ka big deal sa kanya ang di ko pagsakay sa kotse niya?
"Come Arissa lets go." -Zed.Nagpaalam na ako sa mga amo ko at agad na sumunod kay Zed sa kanyang sasakyan.
"Don't push his buttons Arissa..it's not good for you." biglang nagsalita si Zed.Papunta na kaming bar ngayon.Pero hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin sa sinabi niya.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Just find it yourself baby.." sabi niya sabay pa niyang kindat sa akin. Hindi na siya tumingin ulit pa sa akin. Kaya hindi na rin ako nagsalita pa.
Nakakalito si Zed.Hay bahala na nga sila sa buhay nila.
Hindi rin nagtagal at nakarating na kami sa bar.Nakita ko agad ang sasakyan nina Rick at Eion,doon din kasi nagpark si Zed malapit sa sasakyan nila.Pero wala na sila sa loob nito kaya malamang pumasok na ito sa loob ng bar.
"Thanks." pinagbuksan ako ng pinto ng sasakyan ni Zed.
"Pasok na tayo?" -Zed.
"sure"
Pagkapasok namin sa loob ng bar,agad na nagpalinga-linga si Zed para hanapin sila.
"Oh there they are.." lumingon naman ako sa tinuturo ni Zed.
Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon! Nakita ko lang namang may kahalikang babae si Eion samantalang si Rick naman ay nakangisi habang umiinom ng alak na nakatingin sa kanila. Mr. Playboy.
"wooh get a room men.." sigaw ni Zed ng makalapit na kami sa kanila.
"hey guys sit here Arissa.." -Rick.Samantalang naupo naman ng maayos sina Eion at ang haliparot na kahalikan niya.Pero nakapulupot pa rin ang kamay ni Eion sa baywang ng babae.
Tinawag ni Zed ang waiter.
"What do you wanna drink Arissa?" tanong ni Zed sa akin.
"Pareho ng sa'yo.." Yeah.Gusto kung uminom total birthday ko naman. Yun nga lang ba ang dahilan ha?
"a-are you sure?masyadong matapang para sayo an-" pinutol ko ang pagsasalita ni Zed.
"go ahead Zed..I don't care..I want to enjoy..so please?"
"o-okay sure" at sinabi na niya sa waiter ang order niya.
Hindi rin naman nagtagal at dumating na ang order ni Zed.Nag-order din pala siya ng food pero wala akong pakialam.Gusto kung uminom.