[ Matt ]
"Ano ba talagang problema mo sa akin? Wala naman akong ginagawa sayo ah. Pinalampas ko yung mga pang.iinsulto mo sa akin noong nakaraan. Peru parang sumusobra kana ah. Ngayon sinasabihan mo akong nakikipaglandian sa mga kaibigan mo? Hindi ko naman ata matatanggap yang mga sinasabi mo."
"Ano pabang gusto mong gawin ko. Umiiwas na nga ako sayo ohh..Peru kahit anong gawin ko eh napapansin mo pa rin ako..Ano ba talagang gusto mo?" para yang nag.eecho sa ulo ko. Yang mga sinabi ni Arissa sa akin kanina.
Silang tatlo naman parang masayang masaya na nagkukwentuhan sa may table habang hinihintay ang kapatid ko at hipag.
Mas lalo tuloy uminit ulo ko ng marinig ko silang nagtatawanan. Kaya hindi ako naki.join sa kasiyahan nila.
Heto ako ngayon sa may gilid ng pool parang tangang umiinom ng beer mag-isa habang iniisip ko yung pagtatalo namin ni Arissa kanina.
Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit ako nagkakaganito. Hindi ko alam kung bakit nagagalit ako kay Arissa.
Nagsimula ang pagka.init ng ulo ko kanina pa eh. Nang makita ko siyang pababa sa hagdan at nakita ko ang reaksyon ni Rick pagkakita sa kanya.
I don't know what she's thinking,why she wore those kind of dress. Hapit kasi sa kanyang katawan kaya medyo litaw talaga ang kanyang magandang katawan. Tsaka litaw ang kanyang magagandang legs kahit level the knee lang.
It's not that I'm being conservative here ,sa lugar ba naman na nakasanayan ko na halos maghubad na nga ang mga babae doon. Peru iba si Arissa,selfish na kung selfish peru gusto ko ako lang ang makakakita sa kanya ng ganung suot.
Kaya ng tanungin niya ako kung ano nga ba ang problema ko sa kanya,hindi ako makasagot dahil mismo ako sa sarili ko hindi ko alam. Sadya nga bang hindi ko alam o hindi ko lang kayang aminin. F*ck I don't know what to do..I don't f*cki*ng know what's happening to me right now.
Kagaya kanina pagdating ni Zed. May pahalik-halik pang nalalaman,parang nagsisi tuloy akong inimbita ko siya. Kahit sa kamay lang yun peru gusto ko siyang sapakin.
"Oh..at sino naman 'tong anghel na bumaba galing sa langit?" puri ng bwesit kung kaibigan pagkakita niya kay Arissa pagdating niya kanina. Namula naman kaagad si Arissa sarap pagbuholin nilang dalawa.
"Oh she's Arissa Zed..twin's nanny.." sagot naman ng magaling kung hipag. Isa pa ito nagsalita pwede naman sanang hindi. Oh ganyan ako ka.bwesit kaya kahit hipag ko gusto ko ring sapakin sa isip ko.
Bwesit na ako sa magaling kung ring kaibigang si Rick. Dumating pa ang isang bwesit na Zed.
"Hi gorgeous I'm Zedryk..But you can call me Zed for short..Matt's Bestfriend." bwesit din eh. Halatang nagpapacute ang gago kay Arissa. At tsaka kailan pa ito ipinangalandakan ang kanyang palayaw. Dahil sa pagkakatanda ko mas gusto niyang tinatawag siyang Zedryk ng mga babae niya dahil di daw sila close para tawagin siyang Zed..well sa kama syempre ibang usapan na rin yun. Mga malalapit lang talaga sa kanya ang pinapatawag niya ng Zed. Peru kay Arissa gusto niya. Sarap ding ibalik ng bwesit sa sinapupunan ng ina niya eh.
"Hi I'm Arissa." sagot niya kay Zed sabay sana abot din ng kanyang kamay. Kaso ang loko imbis na makipagshake hands hinalikan. Halata namang nagulat si Arissa sa ginawa ni Zed,peru ewan ko ba nabwesit pa rin ako sa kanya. Kasi pwede namang nagpakilala lang siya bakit itinaas pa niya ang kanyang kamay kaya tuloy nahalikan. Masyado nga sigurong walang kwenta ang mga iniisip ko peru talagang wala ako sa mood dahil sa kanila. Kaya naman nagsalita na ako dahil baka ano pang magawa ko pag umeksena pa si Zed kay Arissa.