Chapter 26

1.2K 24 5
                                    

[ Arissa ]

Ghad  hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari sa amin  ni Eion.

Simula ng umamin siyang mahal niya ako,naging sobrang sweet na niya. Kahapon nga napuno ng bulaklak itong bahay. Sabi nga ni Mam Aya may plano na siyang magpatayo ng flower shop pag araw-araw magpapadala ng bulaklak si Eion sa akin. Hiyang-hiya na nga ako sa mga amo ko at pati na rin sa mga kasamahan ko dito sa bahay. Lantaran kasing pinapakita ni Eion sa lahat ang pangliligaw niya sa akin.

Hindi ko aakalaing seseryosohin niya ang panliligaw kuno niya sa akin. Take note after nung sinabi niya sa akin na manliligaw siya,hindi na siya dito tumira dahil maganda daw pagbumibisita nalang siya dito para daw makita ko ang pag-eeffort niyang pagpunta-punta dito.Ghad ewan ko lang talaga sa lalaking yun. Ngayon ko lang nalaman na may ganitong side pala siya.

Ngayon nga nagtext na siya day 3 kuno ng panliligaw niya,yes binibilang niya ang araw simula ng magsimula kuno siyang manligaw. Every morning nagtetext siya sa akin,well wala namang ibang magtetext dito sa phone na binigay niya,yes isang phone na siya lang ang contact at necklace lang naman ang birthday presents niya sa akin.Latest model ng Iphone at isang necklace na key ang pindat,yes key di na kailangang eexplain dahil obvious naman ang meaning ng necklace na key ang pendat.

"Arissa may padala na naman sayo si sir Matt andun sa sala?" It's jane! Na naman?ano na naman kaya ang naisipang ipadala sa akin ng lalaking iyon.

"Salamat jane,sunod nalang ako pagkatapos ko dito." Pero bakit di nalang kaya ni Jane dinala dito?Oh well,nakakahiya naman din kung dadalhin pa niya dito.

Pagkatapos ng ginawa ko sa taas agad naman din akong bumaba,curious ako kung ano na namang pakulo ni Eion ngayon.

Pero what the- wag mong sabihing ito ang padala ni Eion.

"Wooh..padala na naman yan ng kapatid ko noh?" Tyempo namang pagdating ni Mam dito galing sa office niya.Tumango lang ako.Nakakahiya.

"Haha..he is serious ha? Sige pahirapan mo pa Arissa.Ngayon nalang ulit yan nagkaganyan yan sa isang babae eh." Kung maka-advice naman din ito si Mam sa akin,parang di niya kapatid si Eion.Pero wait "serious,ulit?" so ibig sabihin may ginaganito na ring babae si Eion noon? Pero bakit wala siyang matinong girlfriend.Kung nagkaroon siya ng seryosong relasyon noon,bakit hindi sila nagtagal o nagkatuluyan? Iniwan kaya si Eion nung babae?Pero malabo naman atang siya ang iwan.So si Eion ang umiwan? Paano kung ganyan din ang gawin niya sa akin? Iiwan din niya ako balang araw. Arissa kayo na ba ha? Tanga ko din eh! Naguguluhan ng di naman kayo.

"Arissa?" dun ako natauhan.

"M-mam? sorry po"

"Haha it's okay..wag mo ng isipin ang sinabi ko..sundin mo lang kung ano ang tinitibok ng puso mo..get it?" at tinalikuran na niya ako.Pasimple pa niyang pinasadahan ng tingin ang malaking teddy bear, yeah as in malaking-malaki.Yan ang pinadala ni Eion ewan ko kung anong kotse niya ang gamit ng tauhan niya at nagkasya yan. Pero napaisip ako bigla sa sinabi ni Mam. Ano nga ba ang itinitibok ng puso ko ngayon? Napahinto ako ng mapansin na may note palang nakasabit sa teddy bear.Kinuha ko ito at binasa.

Baby you can't hug me if you miss me during the night,so I send  this one. This is for you hope you'll like it.

See you later baby..missing you terribly..

Love you always..

Matt

Tangna naman kinikilig ako! Di ko maiwasang mamula tuloy,para na akong baliw ditong kinikilig mag-isa.Hay Eion Matt Sandoval anong ginagawa mo sa akin.

HER SPELLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon