[ Arissa ]
"Kelly?" tawag niya ulit sa akin.
Mula sa pagkagulat nagpapatay malisya akong hindi ko alam kung sino ang tinatawag niya.
" Do you know her Rick " tanong ni Mam Aya sa kanya.
Bago siya sumagot tumingin muna siya sa akin. Binigyan ko naman siya nang sabihin-mong-hindi-tayo-magkakilala look.
"Ahm No..No... nagkakamali lang ako. Magkamukha kasi sila ng kakilala ko.. "nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ni Rhod, tumingin ulit siya sa akin. Peru hindi ko na inintindi ang mga tingin niyang alam kung may ibig sabihin. Mabuti nalang talaga naintindihan niya ang mga titig ko sa kanya. Hindi naman kasi mahirap din unawain dahil alam naman din niya ang mga nangyari bago ako umalis sa Davao.
" Oh ganun ba,,taga Davao din kasi si Arissa eh..Oh yeah her name is Arissa our nanny for the twins. Maybe you're right..hindi nga siya iyon dahil hindi Kelly ang name niya." pagpapakilala naman ni Mam Aya sa'kin kay Rhod.
" Oh hi Arissa..I'm Rhoderick..but you can call me Rick or Rhod for short..I'm Matt's friend.." kunwari namang pagpapakilala sa akin ni Rhod. Tumayo siya para makipagkamay sa akin.
"Arissa here..nice meeting you Rhod.." tinanggap ko naman ang kanyang kamay.
"Rick this is Yanna and Ysabel our daughters" Pagpapakilala ni Mam sa kambal kay Rhod.
Bigla namang tumikhim si Matt habang tinitingnan niya ang kamay namin ni Rhod ,hindi pa kasi nito binibitiwan ang kamay ko.
" I think we can eat now I'm starving " parang inis na sabi ni Matt. Agad naman binitiwan ni Rhod ang kamay ko.
Kinuha ko na ulit ang mga kamay ng kambal at pumunta na kaming kusina. Uupo na sana ako sa upuan katabi ang kambal nang;
" Ako na.." nagmamadaling inayos ni Rhod ang upuan para makaupo ako.
"Thank you.." hiya kung sabi sa kanya. Nakatingin kasi silang lahat sa amin. Nakangiti si Sir at Mam habang hindi ko naman maintindihan ang expression ni Matt. Well bahala siya.
" My Pleasure gorgeous" papuri naman ni Rhod. Bigla yatang umakyat ang dugo ko sa mukha nakakahiya kasi nandito mga amo ko.
Mabuti nalang may dumating kaya nabaling doon ang attention ng lahat.
" Am I late guys?" sabi ng lalaking kararating lang hindi ko siya kilala.
"Oh here you are Zed..you made it..." Pabirong sabi ni Rhod sa lalaki. Agad namang tumayo si Rhod para makipagkamay sa lalaki.
" Of course for you men..Hey Matt wazzup men.." baling naman nito kay Eion. Tahimik lang kasi ito.
Tango lang ang naging sagot nito sa lalaki. Grabe talaga siya na ang umaangkin sa lahat ng kasungitan sa mundo.
"Hey Aya how are you?" baling nito sa amo kung babae at nakipagbeso dito.
"Im fine Zed..how 'bout you? Mas lalo kapa atang gumwapo ahh..ilan bang babae natin ngayon ha? " biro ni Mam sa lalaki.
"haha ipinanganak na akong ganito Ay's..tsaka wala pa akong panahon sa mga babaeng yan eh..bahala silang maghintay kung kailan na ako ready." biro din sagot ng lalaki kay Mam. Umiiling nalang si Mam habang nakangiti sa naging sagot ng lalaki sa kanya.
" Ian " nakipagkamay ito sa amo kung lalaki.
"Hello kids..how are you? missed you both..hindi na kayo pumapasyal sa office ah.." baling nito sa kambal sabay halik sa mga ito.