Chapter 17

840 14 3
                                    

[ Arissa ]

Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa paghingi niya ng tawad kaya nagkunwari akong pupunta ng banyo.Naglakad na ako papunta doon,pero pinigilan niya ako hinawakan niya ang kamay ko.

" Where are you going?" tanong niya sa akin.Baliw din 'tong isang 'to eh nakitang papunta ako ng banyo eh nagtatanong pa.

"Sa comfort room bakit sasama ka?" sarcastic kung pagsagot sa kanya sabay hablot ko sa kamay kung hinawakan niya.

"Can I ?" aba't! Bwesit talaga bakit ko pa kasi tinanong kung sasama. Nanglaki ang mata ko sa sinabi niya at alam kung pulang-pula din ang mukha ko.

"Manyak!" nagmartsa na ako papuntang Cr,nakita ko pa siyang nakangisi na sinusundan ako ng tingin.May hinabol pa siyang sinabi sa akin bago ko naisara ang pinto.

"Hey! you're the one who invited me if I want to come-.." may sinasabi pa siya pero sinara ko na ang pinto.Bwesit talaga,wala naman talaga akong gagawin dito palusot ko lang naman sana yun. Pero ito ako ngayon,pagtingin ko sa salamin pulang-pula pa rin ang mukha ko. God bakit niyo naman pinatapon dito ang lalaki yun.

Ano ba talaga ang ginagawa ni Eion,bakit ba siya biglang nagbago ng pakikitungo sa akin. May nangyari kaya kagabi habang tulog ako? Grrr sumasakit lalo ang ulo ko.

Ngayong humihingi na siya ng tawad hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya.Hindi na naman ako galit sa kanya,naiinis lang ako sa mga pinagagawa niya ngayon.

God,bakit ba ako nahihirapan dahil sa lalaking yun!Hay bahala na nga.

Napagpasyahan ko ng lumabas,matagal-tagal na din akong nandito paniguradong umalis na din ang lalaking iyon.Sana nga umalis na talaga siya dahil gusto ko ng bumalik sa pagtulog dahil mas lalong sumakit ang ulo ko sa mga ginagawa niya ngayon.

Pero laking gulat ko ng paglabas ko eh nandun siya sa kama ko prenteng nakahiga.Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking ito,hindi porke't sa ate niya ang bahay ni ito eh pwede na siyang humiga sa kama ko.

"God Arissa,what happened to you?You spend almost an hour in the toilet." bungad niya sa akin,ang kapal lang talaga ng mukha!Ano bang pakialam niya,kahit buong araw ako sa loob wala na siya doon.

"Bakit wala na ba akong karapatang manatili sa sarili kung banyo?" Pairitang sagot ko sa kanya.

"It's not like that,I'm just worried I thought something happened to you inside..I'll just wait another minute then I will knock you there.But thanks heaven you came out already." gosh ano bang nangyayari sa lalaking ito.Para na talaga siyang hindi si Eion na una kung nakilala.

"God wag masyadong OA sir! o sige na alis na! Gusto ko na talagang matulog ulit" pagtaboy ko sa kanya.Pero siya hindi man lang natinag sa pagkakahiga.grrr!

"Arissa I really mean it! okay?" eto na naman siya.Alam ko naman ang ibig niyang sabihin.But I don't really know how to react.Tumayo siya palapit sa akin.God bakit ako kinakabahan.

"Im really sorry Arissa,I know it's hard for you to accept my apology, but that's the only thing I could do." paghingi pa niya ng tawad sa akin ulit.Seryoso nga talaga siya sa paghingi ng tawad.Ano ba talagang dapat kung isagot sa kanya.Hindi na naman ako galit talaga.Hay bakit ba ako pinahihirapan ng lalaking ito.

"okay!" maikli kung sagot sa kanya pero nakita kung kumunot ang noo niya.

"What do you mean okay?" Hala di makaintindi din 'tong lalaking ito ah.Kailangan ko pa bang magpaliwanag sa sagot ko!hay..

HER SPELLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon