HAZHA'S POV
Nagising ako at bumungad sa akin ang isang nurse na inaasikaso ako, nililinis ang mga sugat ko at may chinecheck na kung ano.
Naramdaman ko ang sakit ng aking katawan at pakiramdam ko ay hindi ko kayang gumalaw pero binigay ko ang aking buong lakas para kela Mommy."Nasaan po sila Mommy and Daddy?" I asked the nurse weakly because I really feel the soreness of my wounds. "Nasa ICU pa sila, hija. Mag pahinga ka muna at bumawi ng lakas." Ani nurse habang patuloy na nililinis ang mga sugat ko.
Hindi ko siya pinansin. I ran the ICU as fast as I could while my tears are falling. Pagdating ko sa ICU, saktong lumabas ang Doctor."Doc, where's my Mom and Dad?" I asked him. "Oh, ikaw ba ang kamag-anak nila?" I just nodded. "I'm sorry, miss. Hindi kinaya ng katawan nila ang nangyari sa kanila. Maraming komplikasyon ang nangyari lalo na kay Mrs. Trinidad dahil sa kaniyang sakit sa puso." Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Namanhid ang buong katawan ko.
I cried and cried. I don't know what to do. Hindi ko matanggap na wala na sila. Pumasok agad ako sa ICU para makita sila Mommy and Daddy. Lalong nadurog ang puso ko dahil halos hindi na sila makilala.
Wasak-wasak ang kanilang katawan. I ran towards them and gave them a hug."Mom! Dad! Why did you leave me?!" Habang umiiyak ako sa tabi nina Mom and Dad, may dumating para asikasuhin ang kanilang labi kung kaya't napag-isipan ko na pumunta na muna sa Chapel. Iyak ako nang iyak. Di ko alam kung anong gagawin ko para maibalik sila Mom and Dad. Inaalala ko na lang yung mga masasayang araw na kasama sila.
Dumating sila Tito at kinausap ako. "Maging malakas ka, Hazha. Wala na tayong magagawa, wala na sila." pang-aalo ni Tito sa akin. "Why them?! Napakabait nila Mom and Dad, Tito. Alam mo 'yan." Nanginginig na ani ko.
"Ganun talaga, Hazha. Kailangan nating tanggapin. Hindi natin alam kung kailan tayo mamamatay." seryosong sabi ni Tito.Nasa ganoong sitwasyon kami nang isang pulis ang lumapit sa akin at ibinigay ang isang kahon na may lamang mga sulat at larawan. Isa-isa kong binasa ang mga sulat.
Baby, alam kong darating ang araw na mawawala kami ni Daddy. Alam naming kakayanin mo. Mawala man kami sa iyong tabi ay nais naming alagaan mo pa rin ang sarili mo tulad ng pag-alaga namin sa iyo. Magpakatatag ka anak. Alam kong may mararating ka sa buhay kaya mag-aral ka nang mabuti. Huwag kang mag-alala sa amin ni Daddy kasi babantayan ka namin kahit wala na kami sa'yong tabi. Lumaban ka para mabuhay, baby. Maraming pagdadaanan ang mga tao habang nabubuhay at alam naming kakayanin mo iyon, anak. Gihigugma ka namon. Hanggang sa muli.
-Mommy <3My tears fell again. It hurts. It hurts so much. Sa lahat ng mga sulat, ito ang pinakamasakit. Bakit naman ganito, Mom, Dad? Bakit nang-iiwan kayo? Bakit?
"Mom, dad, I miss you so much. I know you can hear me right now. Can you both please give your baby a hug?" ani ko habang habang yakap-yakap ang aming mga larawan. Iniisip ko na sana'y panaginip lang ang lahat.
YOU ARE READING
The Truth Untold
FanfictionHazha Zaile is the only child of Mr. and Mrs. Trinidad. She grew up as a sweet, courteous and a happy girl. Since the day she was born, her parents loved her with all their hearts. She has her uncle as well in every thing she does. Hence, she doesn'...