CHAPTER 12

3 1 0
                                    

HAZHA'S POV

I don't know what's happening. Papa changed. Everything has changed. He's not like this before. As of the moment, I can tell that he doesn't love me anymore.

As I heard the door opens, I ran towards him. "Pa, you're leaving again?" I asked him. He just stared at me without any emotions in his eyes and left me shocked. My tears fell as the door was closed. What's happening, Pa? I miss you so much. Bulong ko sa sarili bago umakyat at matulog nalang.

ZOREN'S POV

"Nakapagdesisyon na ako, Felipe." Ani ko sa kaniya.
"Mabuti kung ganoon. Itutuloy ba natin ang plano?" tanong niya habang nagngingiti ng nakakaloko.
"Itutuloy natin pero hindi muna sa ngayon."
"At bakit?" tanong niya habang nakataas ang isang kilay.
"Hintayin na muna nating maging legal na ang kaniyang edad." ani ko at ngumiti naman siya't tumango.

Magpapaalam na sana akong umuwi ngunit pinigilan ako ni Felipe at sabi niya ay may gagawin daw muna kami bago niya ako pauwiin.

Hatinggabi na naman nang makauwi ako sa bahay at ngayon ay tahimik na ito. Mukhang natutulog na si Hazha. Pumunta muna ako ng balkonahe upang magpahangin.

Hindi ko mawari kung bakit bumabalik lahat ng sakit na pinagdaanan ko noon kapag nakikita ko si Hazha. Hindi naman ako ganito dati. Paminsan ay nalulungkot ako dahil hindi na kami nakakapag-bonding tulad noon at nitong mga nakaraang araw ay palagi ko siyang napapagalitan. Panigurado akong maging siya ay nalulungkot. Napaisip ako kung tama ba ang naging desisyon ko.

Lalabas na sana ako at babalikan si Felipe upang bawiin ang aking sinabi nang umulit sa aking isipan ang mga katagang "Alam ko namang bumabalik na dati ang mga hinanakit mo dati nang dahil sa anak mong iyan." ni Felipe kanina at dahil doon ay nabuhay na naman ang aking galit.

HAZHA'S POV

Nagising ako na umiiyak dahil napanaginipan ko si Daddy. Ang dami niyang sinabi ngunit ang naintindihan ko lamang ay ang "Take care, baby and be strong always." Napahagulhol na naman ako dahil naalala ko na naman ang lahat.

Napatigil ako nang kumatok si Papa. "Hazha! Hazha? Bakit ka umiiyak?" Tanong niya. Pinagbuksan ko siya at niyakap.
"Papa, napanaginipan ko po si daddy." Umiiyak na sabi ko kay papa. Dahan-dahan niyang inalis ang kaniyang mga brasong nakayakap sa akin kaya napatingin ako sa kaniya. Hindi ko alam pero galit. Galit ang nakita ko sa kaniyang mga mata.

"Ano ba naman, Hazha? Ayan ka na naman, e! Nandito naman ako, ah! Puro ka Daddy mo! Palagi na lang ganiyan!" Galit na sigaw ni papa bago lumabas ng kwarto kaya napaatras ako dahil na rin sa gulat.
Hahabulin ko sana siya ngunit naka-lock ang pinto mula sa labas. Nagulat ako ngunit wala akong lakas upang sumigaw na pagbuksan ako kaya humiga nalang ako sa kama at umiyak ng umiyak.

Nagising ako nang makaramdam ako ng gutom. Hindi ko namalayang nakatulog pala ako kakaiyak. Bumangon ako upang kumain sana ngunit naka-lock pa rin ang pinto.
"Papa! Open the door, please. Nagugutom na po ako." Sigaw ko mula sa loob para marinig niya ako at ilang minuto ay binuksan din naman niya ang pinto.
"Oh my God, papa! What's happening to you?" I gasped air.
"Hindi ka naman ganito dati, ah? Hindi ako ginaganito ni Daddy, Papa!" naiiyak na giit ko. "Ayan! Puro ka Daddy mo! Ano pang saysay ng Papa mo?!" He yelled with all his force. I'm scared but I needed answers. "What?! What are you saying, Papa?! Ano bang nangyayari sa'yo? Lagi ka na nga lang late umuuwi mula ng mga nakaraang linggo tapos nagiging ganiyan ka pa sa akin? You've changed! So much." Hindi ko na napigilan at tumulo na ang mga luha ko. "Mula ngayon, huwag mo na akong tawaging Papa! Kung hindi ka lang anak ni Zelaire!" Galit na sabi niya bago ako iwan sa kwarto an ni-lock na naman.

Bakit si Mommy? Eh si Daddy naman ang kapatid niya? You're not like this, Papa. I know you. What happened to you. I thought while sobbing. Wala akong magawa. Umiyak nalang ako ulit at natulog.
Kinabukasan, nagising ako na may pagkain, gatas at tubig na sa mini table ko sa kwarto. Sinubukan kong buksan ang pinto ngunit hindi pa rin ito mabuksan. At dahil nga gutom na gutom na ako, hinayaan ko na lamang at kumain nalang.

ZOREN'S POV

It's almost 2 weeks since I locked Hazha in her room. Hindi ko mapigilan ang aking sarili. Mas lalo lang lumalala ang galit ko sa kaniya. Ano nga bang nangyayari sa akin?
"Hazha! Hazha? Nandiyan ka ba?" nagulat ako nang may marinig akong boses mula sa labas ng bahay at nandoon ang kaibigan niya. "Ah, hi! Wala si Hazha dito, e. Nasa probinsya siya," ngumiti ako kay Ella. "Ah, eh, nagchat po kasi siya sa akin hindi na raw po niya kaya. Gusto na raw po niyang lumabas kaya pinuntahan ko siya agad dito para yayaing lumabas." Napakamot siya sa ulo niya. "Ah, baka nabuburyo na iyong batang 'yon sa probinsya. Sige hija, maaari ka nang umalis."

"Ella? Ella! Ikaw na ba 'yan? Help me, Ella!" Rinig kong sigaw ni Hazha. Buti na lang at malayo na si Ella dahil kung hindi ay malalagot ako. Inis akong umakyat ng kwarto niya. Tinali at piniringan ko muna siya bago sampalin. "At ipapahamak mo pa ako?!" Sigaw ko habang hawak ang kaniyang mukha. "Papa, tama na please." Sabi niya habang umiiyak. "Tama na? Muntik mo na akong ipahamak! Asan na ang cellphone mo?!" Sinabi niya kung nasaan habang umiiyak dahil na rin yata sa takot. Kinuha ko muna ito bago tanggalin ang tali at piring sa kaniya at lumabas na ako sa kwarto niya.

HAZHA'S POV

All I know right now is I am in pain. It's been a year since Papa locked me here inside my room. I don't know how did I survive that until now I'm still breathing. And until now, I still don't know what his reason is. He changed. He's always hurting me again and again. I want to cry but there's no tears left to cry. What's wrong with me? What did I do to Papa that he treated me like this? I can bear with the physical pain but mentally? I'm so drained. I'm tired. I want to be free. I need to get out from this room. I need to make a move.

The Truth UntoldWhere stories live. Discover now