CHAPTER 13

2 1 0
                                    

HAZHA'S POV

I lost my energy earlier from what Papa did to me, I cried and cried continuously not knowing what's the next spot of my body my Papa will smash, hindi ko nakikita kasi everytime na sinasaktan ako ni papa, pinipiringan niya ako. Sa paulit-ulit niyang pananakit sa akin, hindi ako nasasanay kasi unang-una, hindi ito ang Papa ko, nagbago na siya. Imbes na masasanay ako sa sakit na parati kong nararanasan gawa sa ginagagawa niya sa akin, habang patagal nang patagal mas lalong sumasakit kasi mismong papa ko ang gumagawa nito sa akin physically and mentally.

Noon, si papa ang lumalaban para sa akin, pero ngayon ako na ang parang kalaban niya, iniisip ko pa lang naluluha na ako, kasi noon lumuluha ako dahil sa ibang bagay, pero ngayon naluluha na ako dahil sa sarili ko, iniisip ko may ginawa ba akong masama kay Papa? Gusto kong alamin, kausapin si Papa, but my fear always got me first and I am really scared of what will be my Papa's action to me if I will ask him. I don't feel any love from papa anymore, I miss him so much even though he's always there but his personality before is not there anymore.
Noon pinapalipas ko lang. Okay lang yan, Hazha lilipas din ang galit sayo ni Papa. Katagang parati kong sinasabi sa isipan, habang ginagawa niya ang pananakit sa akin umasa ako nang umasa na okay lang nga iyon, na may pinagdadaanan lang si Papa kaya niya nagagawa sa akin iyon, pero ngayon I don't know anymore, I don't know if I'll continue hoping that everytime Papa is doing those things to me, it's just caused by his personal problems or disappointments, kasi parang iba akong tao, parang hindi niya ako kaano-ano sa ginagawa niya, nawawalan na ako ng pag asa at kung patuloy akong aasa na babalik pa 'yong dati kong nakikilang Papa baka mas lumala pa ang sakit na aking nararamdaman ngayon.

Pumunta si Ella kanina ng 5 pm then she left that fast because of papa, akala ko 'yon na 'yong magiging way para matakasan ko ang mga ginagawa ni Papa sa akin, akala ko magiging iba ang pakikitungo ni papa kasi hindi ako ibang tao. Pero akala ko lang pala iyon, after what papa did to me, he just left ng ganun lang kadali na parang wala man lang nangyari.
Dati kapag nakakagawa siya ng bagay na nakakasakit sa akin, sorry kaagad ang naririnig kung salita sa kaniya. Pero ngayon, hindi na pareho noon na kahit sorry lang mawawala kaagad ang sakit na nararamdaman ko.

*Door opens*
"Papa?" Hindi ko makita ng maayos ang mukha ni papa, gawa sa lumabo ng kunti ang paningin ko kakaiyak kanina, madilim ang kuwarto ko at konting ilaw lang ang nakakapasok sa kuwarto ko mula sa labas. Hindi sumagot si papa at parang may binubuksan na plastic.
"Papa ano pa iyang ginagawa niyo?" Tanong ni hazha.
"Ah wala ito, may dala pala akong pagkain kumain ka nalang oh."
Linagay ni papa ang pagkain ko sa upuan malapit sa pinto, pagkadating ko sa pintuan ay nakarinig ako ng nagpupukpok ng martilyo.

"Papa?" Tanong ko. "Papa bakit po? ano po iyan bakit niyo po minamartilyo ang pintuan ng kuwarto ko? Bakit po papa? Papa!"
Naglakad papalayo si papa at hindi ko maiwasang mapaluha ulit. Bakit ganun? naka kadena na ang pintuan ko, hindi ko na nga mabuksan linagyan niya pa ng mga pako. Sabi ko sa isipan ko habang umiiyak. Ano na ba ang nangyayari sa Papa ko? Bigla bigla lang nagbabago ang pakikitungo niya sa akin. Umiyak ako nang umiyak, hanggang sa wala na akong lakas at pinilit na lang na kumain kahit na patuloy tumutulo ang luha ko.

ZOREN'S POV

"Uy pare kanina ka pa ba dumating?" Nakangiting tanong ko sa kaibigan ko. "Oo pare bakit ba ngayon ka lang?" Mainit na pagsalubong niya sa akin.. "Ah kasi 'yong anak ni Zelaire, muntikan akong ipahamak." Sa inis ko ay nabagsak ko ang gamit ko.

"Bakit ano bang nangyari?" Tanong niya habang pinapakalma ako. "May pinapuntang sablay sa bahay buti nalang ako 'yong nagbukas ng pinto," habang hinihilot ko ang sentido ko. "Loko ka, eh dalawa lang naman kayo sa bahay ng ampon mo ah." Natatawang sabi niya. "Kaya nga, ay! ako lang pala ang makakabukas sa pintuan, naalala ko nakakulong pala si Hazha haha." Humalakhak ako dahil sa naalala ko..

"Oh asan na pala? iabot mo na sa akin." Tanong ko. "Tungkol doon pre, may problema tayo." Umiwas siya ng tingin.
"Bakit anong meron?" Napakunot ang noo ko dahil tumagal muna bago siya sumagot. "Nadakip na naman isang kasamahan natin, 'yong mismong supplier natin," pabulong na sabi niya. "Pre tumigil na kaya tayo, ayokong tayo pa sumunod sa kanila, baka makulong rin tayo" natatakot ang kaniyang mga mata.

"Zoren, kumusta na ang bata? Huwag na lamang natin hintaying tumuntong pa siya sa tamang edad. Makatutulong siya sa atin ngayon." Kalmadong suhestiyon ni Felipe.
Doon pa lang alam ko na kung ano ang tinutukoy niya, 'yon ay ang pag benta namin kay Hazha. Nag-usap muna kami saglit at doon ako nag agree, na gagawin na namin ang plano, na dapat sa susunod pa gagawin. Napagplanuhan namin na sa ngayong pag-uwi ko ay sisiguraduhin kong naka lock mabuti ang pinto ng kuwarto ni Hazha, dahil bukas ng gabi na namin ibebenta si Hazha. Para maging maayos ang plano kailangan hindi mabubuksan ni Hazha ang pintuan, gabi namin siya ibabyahe para walang tao ang makakakita. Pagkatapos kong ayusin ang lock sa pintuan niya kanina ay agad akong natulog.

HAZHA'S POV

Matapos akong kumain pagkatayo ko ay may nasagi ang aking paa, kinapa ko ang bagay na iyon... parang pamilyar, hindi nagtagal ay nalaman ko kung ano 'yon. "Ang cellphone ko!" Natutuwang sabi ko. Maaaring nahulog ito ni Papa kanina dala ng kaniyang galit sa akin. Nagsimula na akong mag-isip ng paraan habang hindi pa napapansin ni Papa na hindi niya nakuha ang cellphone ko.
"Hello police station I have something important to report to you..."

THIRD PERSON'S POV

Pagkagising ni Zoren ay pinuntahan niya si Hazha.
"Hazha? Gising ka na ba?" Ngunit wala siyang narinig sa loob ng kuwarto ni Hazha, kaya paulit ulit niyang tinawag si Hazha. Nang natagalan nang hindi sumasagot si Hazha ay nagmadali siyang kunin ang martilyo. Nang mabuksan niya ang pinto ay...

"Hazha!" sigaw ni Zoren. Bumungad sa kaniya ang sirang bintana at wala siyang nakitang Hazha sa kwarto. Agad siyang tumakbo papalabas ng bahay at pagkabukas niya ng pinto... Nakita niya si Hazha na umiiyak at ang kaibigan nito na may kasamang mga police.

"I am arresting you on suspicion of child abuse, you do not have to say anything, but it may harm your defence if you do not mention when questioned something you later rely on in court. Anything you do say may be given in evidence." A statement coming from the police.

The Truth UntoldWhere stories live. Discover now