CHAPTER 20

6 1 0
                                    

HAZHA'S POV

As I got home, I just cried until I felt better. Our conversation was just smooth. Walang sigawan, walang sakitan, pero napakabigat sa pakiramdam. Napakasakit.

Nagising ako dahil sa ingay ni Ella mula sa labas. Naalala kong bago ako matulog ay nagchat siya sa akin.

Ella: Hoy, babae! Akala mo hindi ko alam? Pumunta kay kay Uncle Zoren nang hindi mo sinasabi. Paano kung nag breakdown ka roon? Paano kung bumalik lahat ng sakit at hindi mo kinaya? Sinong aalalay sa'yo? HA?!
Hazha: Hoy, Ella! 'Wag kang, OA, ano? Wala namang nangyaring masama sa akin, 'di ba?
Ella: At maghihintay ka pa na may mangyaring masama? Ha???
Hazha: Osiya siya, sumama ka na lang bukas at babalik ako kay Papa pero hanggang sa waiting area ka lang. May importanteng pag-uusapan kami ni Papa.

"HOY, HAZHA! GISING NA D'YAN OY! 'WAG MAGLULUGMOK! GISING, BILIS!" Sigaw ni Ella mula sa labas ng bahay. Oh my gosh, sakit sa ulo netong babaeng 'to. Sabi ko sa isip ko. Pinagbuksan ko muna siya at pinapasok. Pinapanood ko na muna siya ng movie habang nag-aayos ako. Pagkatapos ko ay dumiretso na kami sa jail.

Bago kami pumunta ni Ella sa kulungan, naisipan ko kung bumisita kaya muna ako kela mom and dad. "Ella, punta muna tayo kayla mom and dad matagal-tagal na rin kasi akong hindi nakakadalaw sa kanila." Sabi ko sa kaniya. Bumili muna kami ng kandila at snacks kasi nagugutom daw si Ella tsaka dumiretso na sa sementeryo kung saan naroon sila mom and dad.

"Hi, mom! Hi, dad! Sorry po at natagalan ako sa pagbalik ko rito. Alam kong alam niyo naman na po kung anong nangyari sa akin, ano? Ahh siya nga pala hindi lang ako ang bisita niyo ngayon, Ella is here too," ngumiti ako kay Ella. "Hello po tita and tito!" Bati naman niya. Pagkatapos ko magsindi ng kandila ay kwenentuhan ko sila mom and dad kung saan kami pupunta.

"Mom, dad kahapon po ay dumalaw ako kay papa at ngayon din pupunta kami ngayon ni Ella kay papa Zoren sa jail. Please guide me po because papa will tell me the truth later. I hated him but I love him, he is my father, my second papa. Papa took good care of me since you were gone so how can I hate him wholeheartedly." Pagkukwento ko kay mom and dad.

Pagkatapos kong ikwento sa kanila ang lahat ng gusto kong sabihin ay nagpaalam na ako. "Mom, dad alis na po muna kami ni Ella. Miss na miss ko na po kayo at mahal na mahal ko kayo," pagpapaalam ko at sumingit naman si Ella, "Bye po, tita and tito!"

Habang papunta kami ni Ella sa jail kung nasaan si papa ay hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba kasi ngayon na sasabihin ni papa ang lahat. Nalulungkot din ako kasi bakit kailangan pang humantong ang lahat sa ganito? Siya yung kasama ko sa mga panahong nawawalan na ako ng pag-asa dahil sa nangyari sa mga magulang ko. Pero sabi nga nila walang taong hindi nagbabago dahil sa mga karanasan sa buhay. Ano kaya ang nangyayari ngayon sa'kin kung hindi nawala sila mama? Magiging ganito kaya si papa Zoren sa akin? Bakit kaya-

"Hoy bababa ka ba oh bababa ka?" Natigil ako sa pag-iisip nang sumigaw si Ella. "Eto na oh, bababa na. Required bang sumigaw? Ha?" Tanong ko sa kaniya. "Ano ba kasing iniisip mo?" Nagtatakang sabi ni Ella
"Iniisip ko lang kung bakit ako nagkaroon ng kaibigang matsing." Pagbibiro ko sa kaniya ngunit seryoso ang aking mukha.
"Mat-? Anong matsing?! SInong matsing?! Sa ganda kong 'to?" Nag-aalburutong sabi ni Ella kaya napatawa ako ng malakas.
"Halika na nga tanggapin mo na lang." Natatawang sabi ko at pumauna na ng lakad.
"Kahit kailan talaga itong babaeng to may sapak sa ulo, hindi ko rin alam kung bakit ko 'to pinagtitiisan." Rinig na rinig kong pagmamaktol ni Ella kaya natawa ako.

Pagkarating na pagkarating naming sa kulungan ay pinaghintay ko na lang muna si Ella sa labas kasi I need some privacy, nung una ay ayaw niya pang pumayag ngunit wala siyang nagawa. Mga tanong na walang sagot na animo'y hinahabol ako na siyang dahilan nang kuryosidad, bakit at paano niya nagawa sakin 'to? Paano ni Papa nagawang kumitil ng tao?

The Truth UntoldWhere stories live. Discover now