CHAPTER ONE

4 1 0
                                    

MAJESTY'S P.O.V

Pagkabigay sakin ni mama ng baon ko ay aalis na dapat ako ng biglang magsalita ang bruha kong ate.

"Aga-aga pa ah?! Ikaw ba taga-bukas ng gate? HAHAHA!."

Kaya napatingin ako sa orasan at nakitang alas singko palang.

(Eh ano bang pake niya?! Susunduin ko pa sila Cris!, Like what I always used to do.)

Pinasadahan ko lang siya saglit ng tingin at hindi na pinansin. Tatangkain ko sana ulit na maglakad palabas ng bahay pero nagsalita ulit ang g*ga!. Bw*s*t talaga!!!.

"Hoy! Ba't ba ang aga mo laging umalis?! Akala mo ba hindi ko napapansin na lagi kang maagang umaalis ng bahay?!" - galit na galit na tanong niya.

(Paepal talaga ampot*! Lagi nalang ako pinapakialaman!.)

Nilingon ko ulit siya na may pagtitimping huwag siyang matignan ng masama kasi baka mamaya sumabog kaming dalawa rito.

Bumuntong hininga muna ako bago siya sagutin.

"Anong gusto mo hapon ako pumasok kasi pang-umaga ako?" - kalmadong tanong ko sa kanya.

She just smiled sarcastically before answering my question.

"HAHAHA ang b*ba amput*! Hindi mo nakuha?!. I mean, yup pang-umaga ka pero hindi ibig sabihin non pumasok ka ng sobrang aga b*b*! Instead pumasok ka sa tamang oras!" - natatawang sagot niya.

Sinabayan ko lang ang tawa niya pero sa loob-loob ko gusto ko ng manakal ngayon!.

(Pot* kung hindi ko lang siya ate!.)

"Ano bang gusto mo? Sumabay ako pumasok sayo? Kung saan malapit ng malate ganon?" - kalmado paring tanong ko. Ayokong mafeel niya na binabastos ko siya kahit gusto kong gawin sa kanya yun!.

"Tsk! hahaha Talaga lang?!" - pikon na toh! HAHAHA. "May jowa ka na ata eh! Kaya maaga kang umaalis para sunduin siya at magsabay kayo noh?!" - pinagsingkitan niya pa ako ng mata.

(Wow! Grabe imagination ah! Bakit gawain niya ba?!.)

I fake my smile to her.

"Kaibigan ko ang sinusundo ko para magsabay-sabay kaming pumasok. Mga babae sila." - tamad na tamad na pagdidipensa ko sa sarili ko.

"Ow! Bang suswerte naman pala ng mga kaibigan mo at may taga-sundo at araw-araw pa ah! Effort mo naman pala?! Ni minsan ba sinundo ka na niyang mga 'yan?!" - nakataas ang isang kilay na tanong niya.

Kaya napaisip ako sa tanong ng ate ko.

(Oo nga noh! Ever since hindi pa nila ako nasusundo. Since grade 7 taga-sundo na nila ako!. Pinaggagastusan ko pa ang mga iyon dahil namamasahe pa ako papunta sa bahay ni Cris, dahil medyo malayo kasi ang bahay nila samin. Ang bahay naman nila Rianne ay keri lang lakarin pero dahil nakila Cris na ako kapag susunduin namin siya ay need ko talagang sumakay ulit kasama si Cris dahil malayo na ang bahay nila kila Cris. 'diba ang gastos!, pero minsan naman nililibre ako ni Cris ng pamasahe papunta sa bahay nila Rianne.)

"Oh hindi ka makasagot diba! Kasi hindi ka pa nila nasusundo!.. Wait... Sila rin ba yung lagi mong sinusundo last year?" - seryoso ng tanong ni ate. Nang hindi ako sumagot ay nanlaki ang mga mata niya. "Ay put*! VIP ang mga g*ga!. Hanggang ngayon taga-sundo ka pa rin nila?! At payag ka ro'n?! Put* kung ako 'yan hinding-hindi ako papayag!. Ano ako t*ng* para maging taga-sundo lang nila?!" - galit na galit na aniya.

Ewan ko kung bakit bigla nalang akong hindi nakasagot. Siguro dahil totoo ang sinabi ng ate ko. Truth hurts talaga!.

"Tsk! Bigla kang nanahimik noh! HAHAHA ayaw mo bang mafeel na ikaw naman ang sinusundo?, Ikaw naman ang VIP?. Sila naman ang mag-effort aba!" - galit na aniya.

Half Of My Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now