CHAPTER SIX

5 1 0
                                    

(2018-2019)

MAJESTY'S P.O.V

I'm Grade 9 na ngayong year yieee!. Sobra kong tuwa dahil kaklase ko ngayong year si Francine. Kaibigan at kaklase ko no'ng grade 7. At syempre mas natuwa ako dahil si Scarlet din ay kaklase ko pa rin ngayong year.

(Sana ay masaya na ang year na ito. No more bullies na, no more hate na, at puro love and fun na lang ang manaig.)

Sabay kaming pumasok ni Francine. Malayo kasi si Scarlet kaya hindi ko siya maisasabay, nasa mama niya kasi siya nanunuluyan ngayon. Kung nandoon sana siya sa ate niya ay maisasabay din namin siya ni Francine. Dahil mas malapit ang bahay ng ate niya sa school kaysa sa bahay ng mama niya.

First day of school ngayon. Pagkapasok palang namin ni Francine sa room ay nakita ko na agad si Scarlet dahil nakaupo siya sa unahang row.

(Hanggang ngayon maaga pa rin siyang pumasok.)

Siguro kaya siya naupo sa unahan dahil nga malabo ang mata niya. May bakante pang dalawang upuan sa tabi niya sa kanan, kaya ro'n nalang din kami umupo ni Francine. Si Francine ang naunang naupo sa tabi niya kaya naupo nalang ako sa tabi pang silya ni Francine. Nasa center ile ako ng first row. Kainis naman hindi ko katabi si Scarlet!. Pero okay na rin yun atlis malapit pa rin siya sakin.

Dahil hindi pa kilala ni Scarlet si Francine at ni Francine si Scarlet ay pinakilala ko sila sa isa't-isa.

"Bhe si Francine nga pala, kaklase ko noong grade 7 at kaibigan ko rin." - nakangiti kong pinakilala si Francine kay Scarlet. Yes level up na po kami, 'Bhe' na ang tawagan.

Tango lang ang sinagot ni Scarlet sa sinabi ko. Mukhang hindi interesado, pero siguro isip ko lang iyon.

Si Scarlet din ay pinakilala ko kay Francine.

"Franc, si Scarlet nga pala, kaklase ko noong grade 8 at kaibigan ko rin." - kung anong sinabi ko nang pinakilala ko si Scarlet kay Francine ay gano'n din ang sinabi ko nang ipakilala ko naman si Francine kay Scarlet.

Nginitian ni Francine si Scarlet matapos ko itong ipakilala sa kanya.

"Hi." - pagkaway ni Francine kay Scarlet. Ngiti lang ang sinagot ni Scarlet sa kanya, kaya hindi na niya kinausap muli ito, nahalata niya sigurong hindi interesado sa kanya si Scarlet. Pero malay ko ba?.

Matapos non ay agad na nagsimula na ang klase. Babae na ang adviser namin ngayon, hindi katulad no'ng grade 8 na lalaki, si Mr. Alvarez. Ang name ng teacher namin ngayon ay Ms. Legaspi. Teacher din namin siya sa Math subj. Gosh hate ko pa naman ang Math! Tapos adviser pa namin ang guro namin sa Math!.

Dahil first day palang naman ay puro introduce your self lang ang ginawa namin. So chill-chill muna kami ngayon tapos pagkalipas ng ilang araw stress na haha. Real quick!.

Gaya nga ng sinabi ko, pagkalipas lang ilang araw ay stress na agad kami lalo na sa Math subj, kaya hate ko ang subj. na iyon eh!. Sabi ng ilan 'diba na ang pinaka-stressful life in highschool ay ang grade 9 or ang third year high school na tinatawag noon. Well, tama sila. Nakaka-stress ang grade 9 life.

Ilang araw at ilang linggo palang ang lumipas ay maraming project na agad ang ginawa namin. May groupings dito, role play doon. Home work dito, reporting doon. Kapagod!. Pero wala kaming magagawa dahil estudyante kami at dapat lang talaga naming ginagawa 'yon, 'cause that's normal. Kung ayaw naming gawin ang mga iyon ay mabuting mag-drop out nalang kami at 'wag ng mag-aral.

Akala ko itong year na ito ay no more bullies and no more hate na, pero nagkamali ako.

Dahil oo nga hindi na namin kaklase ngayong year sina Gelo, Roger, at Rianne na pinakabully noong grade 8 kami. Pero may mga katulad din pala nila ngayong year na ito.

Half Of My Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now