MAJESTY'S P.O.V
Sa mga lumipas na mga buwan ay hindi ko inexpect na magkakaroon pa ako ng ibang ka-close sa mga kaklase ko. Hindi ko sila kayang ituring na kaibigan. Kasi sa deserve na tao ko lang ibinibigay ang titulo na 'Kaibigan' at hindi sa kung sino-sino lang na kilala ko. 'Diba may pa gan'on ang lola niyo!. Masasabi kong mas madami ang mga naging close ko ngayong grade 9 kaysa noong grade 8 ako. Dahil noong grade 8 lulubog-lilitaw lang ang mga ka-close ko. Paano ko nasabing lulubog-lilitaw lang ang mga ka-close ko?. Tsk! Syempre lumilitaw lang sila kapag may kailangan!. Kapag manghihingi ng papel, manghihiram ng ballpen, manghihingi ng pulbo, hangga't may mahihingi pa sakin!. Tsk! Hindi ko rin makakalimutan ang naging ka-close ko no'ng grade 8 na si Nica kapangalan pa ng ate ko!. Real name kasi ni Ate Nics ay Nica. Pero yung kaklase kong si Nica ay Nica Mae ang pangalan at si Ate Nica ay Nica lang. Pareho silang matalino pero hindi mal*nde ang ate ko! Hindi katulad ni Nica na kaklase ko noong grade 8!. Char! pinapahiya ko na siya sa inyo HAHAHA. Haysst... Kaibigan 'kuno' ko lang yung hinay*pak na 'yon kapag may cellphone lang akong hawak. Hindi ko 'diba nilalabas ang phone ko lagi, so kapag minsan nilalabas ko ang phone ko ayan na siya lumalapit na sakin para maki-open ng fb niya sa phone ko!. May pang land* ang g*ga pero walang pambili ng cellphone!. Char!. Kaya hindi ko na nilalabas ang phone ko no'ng grade 8 eh kasi alam kong hindi ko rin naman iyon magagamit kapag nilabas ko dahil hihiramin lang panigurado iyon ng mga bw*s*t kong pekeng kaibigan!. Sinasabi ko na lang sa mga humihiram na hindi ko dinala, kahit nasa bulsa ko naman.
So yun bakit ba kasi biglang may pa-throw back ang author niyo?! HAHAHA.
Okay back to the main topic. Dumami pa nga ang mga naging ka-close ko. Pero masasabi kong magsama-sama man silang lahat ay hindi nila matutumbasan at malalagpasan ang pagiging tunay na kaibigan ni Scarlet sakin. Duh! Walang-wala sila kay Scarlet!. Scarlet for the win!.
Dumami ang ka-close ko dahil mga kaibigan talaga 'yon ni Francine tapos pinakilala niya ako and then that's it, naging ka-close ko agad sila. Ang masasabi ko sa mga ugali nila ay iba-iba. Dahil mayroon sa kanilang mabait na nasa loob ang kulo HAHAHA, bad influence, mal*nde, at halos lahat ay pala-ayos ng mukha or pala lagay ng kolorete sa mukha. Sorry na may pagka-judgemental talaga ako HAHAHA. Pero atlis totoo ang judge ko sa kanila.
Gaya ng sinabi ko kanina na may bad influence sa mga kaibigan ni Francine na pinakilala niya sakin. So dahil magaling 'tong mag impluensya ay naimpluwensyahan din ako. Simula nang maging ka-close ko sila ay naging conscious na rin ako sa mukha ko, natuto na akong mag-ayos. Hindi naman sa hindi ako nag-aayos dati pero iba ang ibig kong sabihin sa natutong mag-ayos. Nagsimula na rin akong maglagay ng mga kolorete sa mukha. like foundation,mascara, liptint, blush on, etc. tuwing papasok sa school na hindi ko naman ginagawa dati. Dahil dati ay okay na sakin ang pulbo lang tuwing papasok. Well yes, I put minimal make up on my face when me and my family go to church pero kapag pupunta lang akong school ay pulbo lang ang nilalagay ko sa mukha dahil sabi ng ate ko at ng mga magulang ko na mas magandang tignan sa mag-aaral na wala siyang make up kapag pumapasok para mas mukhang estudyante. Yung iba kasi tinalo pa ang teacher nila sa kapal ng make up!.
At dahil lagi ngang wala si Scarlet dahil madalas itong absent ay si Francine at ang mga frienie niya ang lagi ko ng nakakasama. Nakikisama lang ako sa kanila tuwing wala si Scarlet dahil ayokong magmukhang lonely. Well, tinanggap naman nila ako sa circle of friends nila kahit wala akong paki kung hindi nila ako tanggapin!, char!.
Sabay-sabay kaming pumapasok sa school lagi, Akala mo talaga mga tunay eh noh!. Si Scarlet ay sa Pag-asa pa rin tumutuloy kaya hindi ko siya masusundo sa bahay nila para makasabay din sa pagpasok at wala rin naman akong kasiguraduhan kapag sinundo ko man siya kung papasok siya ih.
Ngayon ay araw ng lunes at malapit na kaming makarating ng grupo namin sa tapat ng school. Char grupo!.
Pinasadahan ko ng tingin ang mga kasama ko pagkahinto namin sa labas ng gate ng school. Mamaya pa kasing 12 pm magbubukas ang gate ng school eh 11:35 palang ngayon, so maghihintay muna kami dito sa labas ng gate.
YOU ARE READING
Half Of My Heart (COMPLETED)
Non-FictionDo you know what is the true meaning of the word 'best friend'? If you don't know, then just read this story. This story is the true story of Majesty and Scarlet's friendship. That start with their grade 8 life and they didn't expect that they will...