MAJESTY'S P.O.V
Malungkot ang araw ko ngayon. Dahil hanggang ngayon ay hindi parin kami okay ni Cris. Hindi ko sila nakita sa araw na ito dahil sinabi nga ni Rianne na huwag ko muna silang sunduin, sabayan, at puntahan sa room nila dahil hanggang ngayon ay hindi parin maganda ang mood ni Cris. Kailan ba gaganda ang mood niya kainis?! Ba't ba g na g siya?!. Magkakaayos pa kaya kami? Mukhang malabo na, Malabo na...
Kaya nakabusangot akong umuwi sa bahay mula sa paaralan. Buti at hindi nahalata nina mama na malungkot ako, dahil ganun ako kalupit magtago ng tunay na nararamdaman ko.
Kinabukasan ay maaga ulit akong natapos ayusan ang sarili at ready to go na. Pero dahil masyado pang maaga ay naupo muna ako sa sofa namin sa dining area para antayin mag 5:30 am para makalarga na.
(Dapat ay baguhin ko na ang oras ng paggising ko! Dapat 4:30 na at hindi 4:00 am dahil ang aga ko laging natatapos!.)
Pero maya-maya lang din ay nag 5:30 na at nakarating narin ako sa Sun One National High School, kung sa'n ako nag-aaral at nakarating narin sa room namin.
Maya-maya pa ay nagsimula na ang klase. Buti at hindi ako nakatulog sa klase dahil inaantok ako! Puro discussion kasi! Nakakaantok!.
Pero nawala rin ang antok ko ng tumunog na ang bell na hudyat na ng break time.
(Lalabas ako dahil nagutom ako sa discussion! Char!. Haysst... Wala na naman akong kasabay! How lonely is me right?! Haha!.)
Palabas na sana ako ng room namin ng makita kong palabas narin ng room si Scarlet. Kaya nilapitan ko agad siya at naisipang ayaing sabay na kami mag break time.
(Hihi FC ko noh? Paki mo?! Gusto ko rin naman kasi siyang maging ka-close hmp!. At tsaka we already know each other narin naman so... Ewan ko! ba't ba 'ko nagpapaliwanag?!.)
Pagkalapit ko kay Scarlet ay nilingon niya agad ako at binigyan ng nagtatanong na tingin, siguro nagtataka siya kung ba't ko siya nilapitan. Kaya sinagot ko na agad ang tingin niyang iyon.
"Uhm... Papunta ka ring cafeteria right?" - medyo nahihiyang tanong ko rito. (Kasi naman! Hindi naman kasi ako sanay na mag-aya!.) nagtatanong parin ang tingin niya ng tinanguan niya ako. "Ako rin eh, halika sabay na tayong pumunta ro'n." - lakas-loob kong aya rito.
Good thing dahil agad din siyang sumunod sakin nang magsimula na akong maglakad palabas ng room. Akala ko ay magpapapilit pa siya ih!. Dahil doon ay napangiti ako.
Pero sa kalagitnaan palang ng paglalakad namin patungo sa cafeteria ay ang kaninang ngiti ko ay napalitan bigla ng gulat, awkwardness, ewan ko basta halo-halong emosyon. Dahil makakasalubong namin sina Cris at Rianne ngayon.
Agad na napatingin sakin si Rianne ng walang emosyong makikita sa mukha niya, Seryoso lang siyang nakatingin sakin. Hindi ko alam kung anong iniisip niya ngayon. At maya-maya ay si Cris naman ang napatingin sa direksyon namin ni Scarlet. Saglit lang iyon ng mapasadahan niya ng tingin si Scarlet. Agad niyang binalik sa harapan ang tingin niya. Si Rianne din ay hindi na nakatingin sakin. Yung paraan nila ng pagtingin sakin kanina ay parang hindi nila ako kilala at parang nakasalubong lang nila, Kaya ganun lang kaikli ang binigay nilang oras para lingunin ako.
(Baka mas lalo pa si Cris magalit sakin ng dahil sa nakita niya ngayon, na may kasama akong iba!. Baka nga si Rianne rin ay magalit na rin sakin eh!. Haysst... Ano ba 'yan!.)
Maya-maya lang din ay nakalagpas na sila. Kaya nakahinga na rin ako ng maluwag.
(Gusto ko pa sanang lingunin sila at habulin para magsorry sa nakita nila. Dahil siguradong naisip nila na may iba na akong kaibigan, na pinagpalit ko na agad sila! Porket galit si Cris sakin!. Gosh!!!. Pero hindi ko na sila hinabol pa dahil sila lang naman nag-iisip nun eh! Sila parin naman ang best friend ko!.)
YOU ARE READING
Half Of My Heart (COMPLETED)
Non-FictionDo you know what is the true meaning of the word 'best friend'? If you don't know, then just read this story. This story is the true story of Majesty and Scarlet's friendship. That start with their grade 8 life and they didn't expect that they will...