(2020-2021)
MAJESTY'S P.O.V
Sa mga lumipas pa na buwan ay araw-araw pa rin kaming nagchachat ni Scarlet sa isa't-isa. Hindi namin nakakaligtaan ang isa't-isa. At lagi rin niyang kinukwento sakin ang mga problema niya. Isa na roon ay ang pagkakaroon nila ng Ate Kim niya minsan ng hindi pagkakaintindihan o hindi pinagkakasunduan. Patuloy lang ang pakikipag-komunikasyon namin ni Scarlet kahit malayo kami sa isa't-isa. Kahit siya ay nasa Taguig, habang ako ay nasa Rizal. Pinadama namin sa isa't-isa na hindi hadlang ang pagkakalayo namin sa isa't-isa para mawalan na kami ng komunikasyon at oras sa isa't-isa. Sa halip ay napatatag pa ang pagkakaibigan namin ng dahil sa layo namin sa isa't-isa.
Ni minsan ay hindi kami nabored sa isa't-isa. Hindi kami tinamad kausapin ang isa't-isa. Dahil kapag nag-uusap kami ay puro tawanan ang nangyayari, kaya hindi talaga kami mabo-bored.
Kapag nagvi-video call kami ay hindi na namin na papansin ang tagal ng pag-uusap namin dahil tutok kami sa isa't-isa, wala kaming paki kung ilang oras na ang ginugol namin sa pakikipag-usap sa isa't-isa.
Hindi namin hinahayaan na matulog ang isa samin ng may tampong nararamdaman o may sama ng loob. Dahil sinisigurado namin na okay kami, na wala kaming problema bago matulog. At kung may tampo mang nararamdaman ang isa samin ay agad na nagpapakababa ang isa at humihingi ng tawad agad kung sino man sa amin ang may kasalanan. Hindi katulad sa ibang magkaibigan na papairalin ang pride, kahit na alam na nilang mali sila ay hindi talaga sila hihingi ng tawad dahil nga sa pride. Hindi kami katulad nila. Dahil kami ay tinatanggap ang nagawang kasalanan o mali at hihingi agad ng tawad sa isa, dahil ayaw naming magkagalit kami at ayaw naming tumagal ang pag-aaway namin. Gusto namin masaya lang kaming pareho, ganyan namin kamahal ang isa't-isa.
Ang sabi ng iba, totoo raw ang kaibigan mo kapag minumura ka nito kaysa sa sinasabihan ka ng 'I love you'. Pwes hindi ako naniniwala roon. Dahil para sakin ang tunay na kaibigan ay hindi ka mumurahin, gagalangin ka. Katulad nalang ng paggalang nila sa magulang nila. Hindi nila minumura ang magulang nila 'diba? Dahil mahal nila iyon. So kung hindi ka minumura ng kaibigan mo ay mahal ka rin nito at ginagalang. That's my opinion only.
Dahil yung iba ay nandidiri o hindi kaya ay sasabihan ng plastik ang isang kaibigan kapag nagsasabi ito ng 'I love you' sa kaibigan. Kailan pa naging kaplastikan ang pagsabi ng 'I love you?' sadyang naki-cringe lang sila, pero hindi lahat ng kaibigan natin na sinasabihan tayo ng 'I love you' ay peke lagi iyon, dahil yung iba ay nagsasabi talaga ng totoo. Malalaman mo naman sa isang tao na totoo ang 'I love you' na sinasabi niya eh at sa hindi. At masasabi kong totoong mahal talaga ako ni Scarlet tuwing sinasabi niya ang word na 'I love you'.
Para na nga kaming magjowa eh! Kasi lagi kaming nagsasabi ng 'I love you' sa isa't-isa at nagbibigay ng LSM lagi sa isa't-isa. Kaya hindi ko na muna hinahangad na magkaroon ng boyfriend sa edad kong ito, dahil naibibigay naman ni Scarlet ang pagmamahal ng boyfriend na hinahanap ko. Sapat na siya.
Hindi ako natotomboy sa kanya ah!. Best friend lang talaga ang turing ko kay 'Dre' HAHAHA.
Nang matapos na ang bakasyon namin sa paglipas ng mga buwan ay dumating na ulit ang oras para magbalik ako sa pag-aaral.
At dahil may Covid-19 virus pa rin sa bansa at marami pang kaso ng virus na ito ay hindi na muna pinatupad ang pagkakaroon ng face to face class sa taong ito. Para sa proteksyon naming mga estudyante at mga guro at para hindi na kumalat pa ang virus.
Pero hindi ibig sabihin non ay ihihinto na talaga ang pag-aaral ng mga estudyante sa taon na ito. Dahil magpapatuloy pa rin ang pasukan sa taong ito pero through online na ang klase.
YOU ARE READING
Half Of My Heart (COMPLETED)
Non-FictionDo you know what is the true meaning of the word 'best friend'? If you don't know, then just read this story. This story is the true story of Majesty and Scarlet's friendship. That start with their grade 8 life and they didn't expect that they will...