(2019-2020)
MAJESTY'S P.O.V
Kinakabahan akong umalis ng bahay at magpunta ng school dahil alam kong wala akong kakilalang kaklase ngayon maliban kay Joana. At ang mahirap pa ay hindi ko siya gano'n ka-close. Kaklase ko lang siya sa T.L.E subj. namin no'ng grade 9 kaya ko siya kilala. Hindi ko siya gano'n nakakausap. Haysst... Hindi ko kasi kaklase ngayong year si Scarlet eh, kahit sina Francine at yung mga kaibigan niya. Okay lang naman sakin na hindi ko na kaklase sina Francine at ang mga kaibigan nito, paki ko sa kanila?!. Pero si Scarlet? Hindi ko matanggap!.
(Bw*s*t! Ba't kasi kami pinaghiwalay?!.)
Pero wala na akong magagawa. Alangan namang huminto na ako sa pag-aaral dahil hindi ko na kaklase si Scarlet? Tuloy lang ang buhay.
Kahit kinakabahan pa rin ako ay lumarga na ako para pumuntang school. Mamaya ay malate pa ako sa sobrang kaartehan ko! First day na first day pa naman!.
At nang makarating na ako sa school at mahanap ang room ko ay agad akong pumasok dito. Unti palang ang estudyante pagkapasok ko ng room. Pinasadahan ko saglit ang mga itsura ng mga iilang kaklase ko sa loob ng room namin. May mga familliar na mukha sakin, may mukhang transferee. At nahinto ako sa pagtingin sa mga mukha ng kaklase ko nang tumama na ang mata ko kay Joana. Nandito na rin pala siya. Kaya agad akong naglakad sa gawi nito. Buti at walang nakaupo sa tabi niya kaya doon na ako umupo. Gaya ng sabi ko kanina, siya lang ang kakilala ko rito kaya siya nalang ang tatabihan ko. Ayokong magmukhang lonely, dahil baka ma-bully na naman ako!. Dahil kasi sa mukha akong lonely kaya ako nabu-bully dati eh. Kaya ngayon ayoko ng ma-feel ng mga kaklase ko na lonely ako. Sino ba naman ang gustong ma-bully?!.
"Uyy kamusta?." - agad na tanong ni Joana pagkaupo ko palang sa tabi ng upuan niya.
"Okay lang, ikaw?." - pormal na sagot ko rito. Medyo nakaka-feel pa ako ng awkwardness dahil hindi ko pa nga siya masyadong close, basta kakilala ko lang siya.
"Okay lang din." - pormal na sagot niya rin.
Hindi na nadugtungan ang conversation naming dalawa dahil hindi na siya nagtanong pa at nag-open ng topic. Ako rin sa kanya.
(Ang saya grabe!.)
Maya-maya ay ang kaninang maingay na paligid ko ay bigla nalang tumahimik. At nang alamin ko kung ano ang dahilan ng biglaang pagtahimik nila ay dahil pala sa pumasok na sa room namin ang una naming guro at adviser namin sa taong ito.
Agad itong nagpakilala pagkapasok niya ng room namin. At siya ay si Binibining. Flores, guro namin sa Filipino at gaya ng sinabi ko kanina, adviser din namin.
Buong araw ay halos introduce yourself lang ang naganap. May iilan na guro namin na nagturo agad ng lesson, dahil alam naman nila raw na magkakakilala rin kami sa darating na panahon o hindi kaya ay ngayon palang ay magkakakilala na kami. Ang iingay kasi ng mga kaklase ko, tuloy iniisip ng ilan naming guro na magkakakilala na kami. Yung iba lang 'yon! Dahil ako, si Joana palang ang kakilala ko!. Sayang daw ang oras kung ilalaan lang sa pag i-introduce your self, kaya agad sila turo ng lesson. Well, okay naman sakin 'yon. Dahil nahihiya akong mag-introduce your self sa harapan.
Nang dumating ang break time ay dahil si Joana nga lang ang kakilala ko sa mga kaklase ko ngayong taon, ay siya na rin ang sinabay ko sa pagbili ng pagkain sa cafeteria. Buti at pumayag siyang sumabay sakin.
At nang dumating na ang uwian ay agad na bumagsak ang balikat kong umupo sa sofa namin sa sala ng bahay. Para akong pagod na pagod, kahit wala naman kaming halos ginawa. Siguro ay dahil sa boredom ko sa loob ng room.
(Haysst... I missed you Scarlet.)
Napabuntong hininga nalang ako sa nasabi ko sa isip ko at tumayo na mula sa pagkakaupo ko sa sofa at nagmano kay mama na nagluluto palang ng ulam sa kusina. Wala si papa ng dumating ako, baka nasa labas.
YOU ARE READING
Half Of My Heart (COMPLETED)
Non-FictionDo you know what is the true meaning of the word 'best friend'? If you don't know, then just read this story. This story is the true story of Majesty and Scarlet's friendship. That start with their grade 8 life and they didn't expect that they will...