CHAPTER NINE

4 1 0
                                    

MAJESTY'S P.O.V

Ngayon ay 4th quarter na namin. At ngayon ko nasigurado na hindi na talaga papasok si Scarlet, malamang patapos na ang taon na ito eh. At nalulungkot ako roon, sana ay lumipat nalang siya ng ibang school kaya hindi ko na siya nakikita rito at hindi dahil huminto na siya sa pag-aaral. Sana ay hindi niya maisip na huminto sa pag-aaral, sayang naman!.

Wala na talaga akong nabalitaan sa kanya simula noong bakasyon palang hanggang ngayong patapos na ang taon ng pagiging grade 10 ko. Miss na miss ko na talaga siya!. Gusto ko na ulit siyang makita, makausap, makasama at mayakap.

Ayoko ng kasama ang mga plastik na nasa paligid ko. Gusto ko na ulit maramdaman na totoo ang nasa paligid ko, katulad ng nararamdaman ko kapag si Scarlet ang kasama ko.

Nang dahil iba na ang kasama ko ngayon at hindi na si Scarlet ay may nagbago ulit sa ugali ko. At masasabi kong impluwensya ulit iyon ng mga kasama ko. At iyon ay natuto na akong kumopya. Alam ng mga nakakakilala sakin simula no'ng nursery ako hanggang no'ng grade 9 na hindi ako kumokopya. No'ng grade 9 minsan lang at madalas Math naman iyon, dahil sabi ko nga rati na mahina ako ro'n. Pero ngayong grade 10 ay madalas na akong nangongopya. Kapag nahirapan sa tanong, kopya agad sa katabi. Dati ay pinag-iisipan ko pa talaga muna at kapag nahirapan na talaga ako ng bongga tsaka palang ako titingin sa katabi ko. Pero ngayon ay medyo mahirap lang, kopya agad sa katabi. At dati hindi rin ako nagpapakopya, kahit si Scarlet nga ay ni minsan hindi ko napakopya kahit kaibigan ko pa siya. Kasi dati para sakin, kahit kaibigan pa kita hindi ka makakakopya sakin kasi pinaghirapan ko 'yong sagot ko. Pero ngayon ay libre na silang nakakakopya sakin. At dahil nga masyado akong mabait at duwag na tao ay kahit na galit na galit na ako kay Loraine na hindi na nag-iisip tuwing may quiz dahil may maaasahan naman siya sa sagot niya at ako iyon at si Joana at ang isa ko pang ka-close na si Marlene ay hindi ko siya niri-realtalk at sinasabi sa kanya ang sama ng loob ko. Ang bait ko kasi sobra! Kaya naaabuso!.

Ngayon ay Lunes na at dalawang buwan nalang ay graduation na namin. So dahil doon ay hindi na ako tinatamad pumasok, dati kasi ay tinatamad ako. Pero tinatamad lang, hindi uma-absent. Ngayon ay may gana na akong pumasok, syempre malapit na rin naman ang graduation. I'm so excited lalo na at isa ako sa mabibigyan ng award sa graduation sabi ni Binibining Flores, o ang adviser namin.

Lima lang kami sa section namin ang mabibigyan ng award dahil ang mabibigyan lang ng award ay iyong mga makakakuha ng over all 90 average sa graduation. At sigurado na raw ako ang isa roon dahil malapit ng mag 90 ang final average ko sabi ni Binibining Flores. Kaya excited na ako sa graduation, paniguradong matutuwa at magiging proud si papa at mama sakin.

So dahil sa ginanahan na akong pumasok ay maaga palang ay nasa school na ako. At pagkarating ko sa room namin ay wala pa sina Loraine at Marlene sa tabi ng upuan ko it means maaga talaga akong pumasok, magkakatabi na kaming tatlo ngayon nina Loraine ng upuan. Si Joana ang nahiwalay samin. Well, hindi naman talaga siya nahiwalay samin kasi nasa harapan ko siya nakaupo. So malapit pa rin siya samin. Si Joana ay wala pa rin pagkapasok ko ng room.

Pagkarating ng break time ay pagkalabas na pagkalabas palang ni Ms. Mallari o ang guro namin sa English ay nagsitayuan agad kami nina Loraine at Joana. At agad na lumabas ng room para pumunta na sa room nina Mellisa at Bella dahil nga kasabay na rin namin silang mag break time ngayon. Pot*! Para rin talaga silang sina Cris at Rianne! Mga pa-VIP!. Kailangan pang sunduin kapag break time sa room nila!. Sinabi rin samin ni Loraine na naiinis na raw siya sa dalawa dahil sa pagiging madam ng mga ito, pero hindi niya rin naman ma-realtalk-realtalk!. Nanatili rin siyang tahimik.

Nang makarating kami sa room ng dalawa ay sinabi naman ng mga ito na hindi muna sila makakasabay samin ngayon mag-break time dahil may tinatapos pa silang home work nila na hindi pa nila natatapos. Kaya ayun, kaming tatlo nalang muna nina Joana at Loraine ang nagsabay-sabay mag break time ngayon.

Half Of My Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now