CHAPTER TWO

2 1 0
                                    

MAJESTY'S P.O.V

Saktong alas singko ulit ako natapos mag-ayos ng sarili at handa ng umalis ng bahay pero dahil napakaaga pa dahil 6 pa naman ang start ng class namin ay nanatili nalang muna ako sa bahay. At gaya ng sinabi ni Cris kahapon no'ng uwian na 'wag ko na raw silang sunduin ni Rianne kahit kailan ay ginawa ko nga. Sabi niya eh!.

Pero para makasigurado akong hindi sila magalit sa hindi ko pagsundo ay tatanungin ko ulit sila.

Pero agad na nagbago ang desisyon ko at si Rianne nalang ang tatanungin ko dahil paniguradong isi-seen lang ako ni Cris sa GC. Laging gawain eh!. at baka mas lalo pa siyang magalit 'pag pinaalala ko na naman ang tungkol doon.

Pagka-open ko ng messenger ay tinignan ko agad kung naka-open din si Rianne at nakita kong naka-open din siya. Kaya agad ko siyang chinat.

Majesty Gracia De Vera

Goodmorning bhe. Sigurado na bang hindi ko kayo susunduin ngayon? Katulad ng sinabi ni Cris kahapon?

Rianne Zaine Avila

Morning din. Oo bhe baka magalit lalo si Cris 'pag sinundo mo kami eh. Sorry ulit ah.

Mapait akong ngumiti bago nireplyan si Rianne.

Majesty Gracia De Vera

Sige. Don't say sorry nga I'm not mad at you okay even kay Cris.

She instantly reply again.

Rianne Zaine Avila

Haysst immature kasi ng babaitang yun!. g na g!.

Majesty Gracia De Vera

Haha.
Seen 5:11 am

Wala na kong maisip na ireply. Ayoko namang hindi siya replyan at iseen lang dahil baka mamaya magalit din siya sakin dahil seener ako.

At hindi na siya nagreply. Kaya nag-out na rin agad ako dahil wala na rin naman akong gagawin. Wala naman na akong ibang kachat bukod sa dalawa.

Pagkatapos kong ilagay ang phone ko sa bulsa ulit ng palda ko ay naagaw agad ng pansin ko ang pababa na ng hagdan na si ate Nics.

"Oh himala at nandito ka pa! Akala ko ay kanina ka pa lumarga?!." - nagtataka at sarkastikong aniya.

(No'ng isang araw na maaga ako aalis may nasabi, tapos ngayong hindi na 'ko maaga umalis may nasabi parin!. Sa'n ba talaga 'ko lulugar?!)

Hindi ko nalang siya sinagot. Hinayaan kong sa utak nalang siya lagi sagut-sagutin. Mas mabuti na yun dahil baka pagsinagot ko siya ay bigla nalang akong tumalsik sa kinauupuan ko!.

"Natauhan ka na ba? At hindi muna susunduin yung mga kaibigan mo keme?!" - mataray na tanong niya.

Pinagtakahan ko naman ang huling sinabi niya.

"Kaibigan keme?" - nagtatakang tanong ko.

(Ba't may pa keme?!)

Tinawanan niya lang ako ng sarkastiko.

"HAHAHA 'wag mo kasing seryosohin 'yang mga kaibigan mo!. Sa paglipas ng mga taon tignan natin kung kilala ka pa ng mga 'yan!. Baka nga daan-daanan ka nalang ng mga 'yan eh!." - mataray na aniya.

Napatahimik ako sa sinabi niya at inalala kung ano ang sitwasyon namin ng mga kaibigan ko ngayon.

(Haysst maaayos pa naman siguro yung away namin noh?. Hindi naman ata nila ako kakalimutan agad noh na parang wala kaming pinagsamahan?.)

Kahit ako ay hindi sigurado sa maisasagot sa tanong ko. Dahil pakiramdam ko matagal pa kami magkakaayos ni Cris. Ba't ba kasi ang hirap niyang suyuin?!.

Half Of My Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now