CHAPTER TEN

5 1 0
                                    


MAJESTY'S P.O.V

Nang magsimula na ang bakasyon ay wala akong ginawa kundi ang manatili lang sa bahay. Dahil hindi naman ako taong gala at mas gusto ko pa talagang manatili sa bahay kaysa sa gumala. Nasanay na ako ih. At syempre bawal talagang lumabas ngayong bakasyon kasi naka-lock down ang lugar namin dahil nga sa kumakalat na Covid-19 virus. So para hindi maging boring ang bakasyon ko ay nagbalik loob ako sa wattpad. Nagbabasa na ako ng stories sa wattpad noon pa lang pero natigil ako sa pagbabasa nang maigugol ko na ang oras ko sa pag-aaral kaysa sa pagbabasa ng wattpad dahil kailangan ko ng magseryoso sa pag-aaral no'ng magsimula akong mag-high school. Nag start kasi akong nagbasa sa wattpad ay elem. pa lang ako, at hindi pa naman seryoso sakin ang pag-aaral ko no'ng elem. ako kaya may time pa ako sa pagbabasa ng wattpad. Pero nang mag-start na ako sa high school ay nawalan na ako ng time. So ang buong bakasyon ko ay ginugol ko sa pagbabasa sa wattpad ulit. Namiss ko ang wattpad world! Tagal din naming hindi nagkita!.

Ang una kong binasa nang magsimula ang bakasyon ay 'He's into Her' na sulat ni Ate Max. Yes, ngayong bakasyon ko palang siya babasahin. Pero kahit hindi ko pa naman iyon nababasa ay fav. ko na agad iyon sa mga stories na gawa ni Ate Max, dahil medyo na spoil na ako about sa story. Dahil sa mga nagkakalat na spoiler na mga 'jijies' sa facebook. Na-curious tuloy akong basahin na. So dahil doon ay ayun nga ang una kong binasa.

Kapag humihinto ako sa pagbabasa, dahil madalas ko iyong gawin dahil tamad po talaga akong magbasa lalo na at mahaba ang mga chapter sa 'HIH'. Maganda ang story pero dahil tamad ako ay lagi akong humihinto sa pagbabasa. #TamadNaWattPADER. HAHAHA!. So 'yon na nga! Kapag humihinto ako sa pagbabasa ay nagfe-facebook muna ako. At chinachat yung mga kaklase ko no'ng grade 10. Kasama na roon sina Loraine, Joana, at Marlene.

Nang chinachat ko na ang mga kaklase ko noong grade 10 ay doon ko ulit naalalang kamustahin si Scarlet. Hindi naman sa nakalimutan ko na siya, dahil may convo pa rin naman kami mga twice a week. Hindi lang kami active masyado sa chat namin sa isa't-isa, pero alam namin sa sarili namin na hindi pa rin namin nakakalimutan ang isa't-isa.

Nang tinignan ko ang profile nito ay saktong open siya kaya chinat ko na agad siya.

Majesty Gracia De Vera

Hi bhe.

Scarlet Dela Cruz

Hi.

Majesty Gracia De Vera

Musta na?

Scarlet Dela Cruz

Okay lang, wala na ako kila kuya Jack. Dito na ako kila Ate Kim sa Taguig nakatira.

Majesty Gracia De Vera

Talaga? Bakit nandyan ka na?

Scarlet Dela Cruz

Dito na ako nakatira kasi sila ang magpapaaral sakin sa grade 10.

Agad akong napangiti sa nireply niya.

(Yieee ipagpapatuloy niya nga talaga ang pag-aaral niya. Hindi niya ako binigo!.)

Matapos non ay humaba pa ang pag-uusap namin.

At sa sumunod at sumunod na araw ay lagi na ulit kaming nagkakachat ni Scarlet. Hindi na twice a week lang kundi araw-araw na talaga. Minsan ay nag vi-video call pa kami.

At syempre araw-araw pa rin akong nagbabasa ng wattpad. Hindi ko iyon makakaligtaan!.

At sa sobrang pagbabasa ko ng 'HIH' ay naadik ako rito. Ang ganda ng story grabe!.
So dahil sa pagkaadik ko sa story ay gusto ko na ring ipantawag namin sa isa't-isa ni Scarlet ang 'Dre' na tawagan nila Deib at ng kan'yang mga kaibigan sa 'HIH'. Sinabi ko ito kay Scarlet agad, at agad din siyang pumayag sa gusto kong tawagan namin. Kaya agad kong pinalitan ang nickname namin sa messenger ng 'Dre♡' hihi!.

Half Of My Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now