CHAPTER THREE

2 1 0
                                    

MAJESTY'S P.O.V

As always, natapos na naman akong ayusan ang sarili ng 5:00 am palang. Samantalang si Ate Nics ay himbing na himbing parin sa pagtulog.

(Ang kapal ng mukha! Ginawa akong taga-gising!.)

Pero dahil mabait akong kapatid ay lagi ko naman siyang ginigising.

(Duh! Mamaya sakin pa 'yan magalit kapag hindi ko siya ginising ng maaga at nalate siya!. It's okay, sinusundo ko nga mga kaibigan ko sa mga bahay nila para magsabay-sabay kaming pumasok 'diba? Tapos yung kapatid ko, 'di ko kayang gisingin ng maaga?!.)

Kaya agad ko ng tinapik-tapik ang ate ko sa balikat niya ng magising na.

Buti naman at hindi siya pahirapan gisingin ngayon, dahil nakatatlong tapik lang ako sa balikat niya ay bumangon na agad siya at umakyat sa  taas para kuhain ang tuwalya niya. Hindi katulad minsan na ang hirap-hirap niyang gisingin, dahil pagkabangon niya maya-maya ay babalik ulit sa paghiga.

(Akala mo naman binabayaran niya ako para gisingin siya!.)

At nang pumasok na ang ate ko sa cr para maligo ay naupo na muna ako sa sofa namin at kinuha ang phone ko sa bulsa ng palda ko para mag-fb muna, habang wala pang 5:30.

Hindi ko na tatanungin ulit kay Rianne kung susunduin ko ba sila ni Cris o hindi, dahil alam ko naman na ang sagot. Hindi.

Nagbasa-basa lang ako ng mga post ng mga friend ko sa fb sa newspeed ko. At maya-maya lang ay nagpop ang message ni Rianne sakin.

Hindi ko inasahan na open din pala siya, dahil hindi ko naman tinignan sa chat list ko kung sino ang mga open. Wala naman akong balak ichat eh, gusto ko lang magbasa ng mga post.

Agad kong inopen ang message niya.

Rianne Zaine Avila

Hi bhe, morning. I wanna tell to you na huwag mo na kaming puntahan mamayang break time sa room para sunduin at magsabay-sabay tayong mag break, kasi paniguradong hindi bababa si Cris. Gagawa ulit yun ng dahilan panigurado para hindi ka niya makasabay kumain sa break time. Sorry ah, I love you.

Nang mabasa ko 'yan ay agad akong napatulala sa message niya at hindi alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko?, Kung ano ang irereply ko?.

(So eto na? Finish na? Naaamoy ko na eh! Na rito na magtatapos ang pagkakaibigan namin!... Pot*! Sana ganun lang kadali noh?! Sana ay katulad niya ay ganun nalang din kadali saking iwasan siya, kalimutan siya na parang wala kaming pinagsamahan! Pot*! Sana ganun lang kadali!.)

Agad na may tumulong mga butil ng luha sa mata ko, na agad ko namang pinunasan. Ayokong makita ni papa na umiiyak ako noh! Gising pa naman siya dahil siya ang nagluluto at naghahain ng breakfast namin sa araw-araw.

(Pot*! Pigil luha na naman!.)

Pero kahit kaunti ay nawala ang sakit na nararamdaman ko dahil sa mga butil ng luha na lumabas sa mata ko. Sapat na saking kahit butil lang ng luha ang kumawala sa mata ko. Kaunting sakit lang ang nawala sa nararamdaman ko ngayon. Dahil hindi madaling mawala yun, lalo na't hindi parin kami magkaayos ni Cris.

Matapos kong magdrama saglit at matulala sa message ni Rianne ay nireplyan ko na siya.

Majesty Gracia De Vera

Hello, morning din. Sige hindi ko na kayo pupuntahan mamaya sa room niyo don't worry. I love you too.

Rianne Zaine Avila

Sorry talaga. Magsabay-sabay nalang ulit tayo kapag hindi na mainit ulo ni Cris.

Napabuntong hininga ako ng mabasa ang reply niya. At nireplyan din siya agad.

Half Of My Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now