Marian's POV
Agad kaming nagtungo sa Room 101 na sinabi sa amin. Doon daw kasi ang magiging practice room at locker ng gymnastic team.
"Sa dulo yun diba?"
Tanong ni Louise.
"Kay layo dong!"
Biro ko sa kanila. Ganito talaga ko... Nagbibisaya accent minsan.
"Excited na ako! Eiyyyyyy!"
Parang kinikilig na sabi ni Louise. Nakaka-excite naman talaga.
"Czarina bakit ang tahimik mo?"
Kanina pa kasi siya hindi nagsasalita.
"Mabali-Bali mga buto ko day! Katakot man!"
Sagot niya.
"HAHAHAHAHA! Okay lang yan!"
Sagot ni Louise. Kami kasi ni Louise two years na sa gymnastics. Si Czarina half year lang. Kailan lang din kasi siya nagstart magtraining pero hindi dito sa school.
"Andito na!!"
Sigaw ni Louise. Andito na nga kami. Nakita na kasi namin yung sign na Room 101. Pinakadulo nga.
Binuksan na ni Louise yung pinto at nakita naming may mga nasa loob na pala.
"Good Afternoon po."
Magalang na bati namin. Nasa limang babae ang nandito na sa room. Ang alam ko sampu kami. So dalawa na lang ang kulang?
"Come in girls :)"
Si Gielyn yun. Kasamahan din namin ni Louise.
"Wala pa si Coach?"-Ako
"Wala pa. Pero nag text nang papunta na."-Gielyn
"Sino pa yung dalawang kulang?"-Louise
"Hindi rin namin alam eh. Labas lang ako sandali."
Paalam ni Jury. Pagkalabas niya ay nagpatuloy kami sa pag-uusap.
"Girls nga pala si Czarina. Kaklase namin tsaka kaibigan."
Pagpapakilala ni Louise kay Czarina sa iba.
"Gielyn."
"Abigail."
"Gabrielle."
"Nichole.Tapos yung lumabas ay si Jury."
"Nice meeting you :)"
Mas mabuti nang magkakasundo kami. Mas mapapadali ang team work tsaka may samahang mabubuo.
"TSS!"
Bulalas ni Jury pagkapasok ulit. Lahat kami napatingin sa kanya ng Medyo napalakas ang bagsak niya sa pinto.
"Napano ka?"-Nichole
"May nakita ka na namang kaaway mo?"-Abigail
"Yes! Nakakainis! Argh!"
Sagot ni Jury na may halong inis.
"Nakakabadtrip! Makakasama pa natin siya!"
"Saan?"-Gielyn
"Dito sa gymnast..."
Uh-oh! Problema nga ito! (Wonder pets xD)
"Mukhang malaki inis mo sa kanya ha?"-Louise
"That annoying brat!!"
Sigaw niya. Sino kaya yun?
"Who's the annoying brat girls?"
Napalingon kaming lahat sa pinto ng may magsalita. May kasamang dalawang babae si Coach. Mukhang sila na yung kulang sa amin.
Lumingon ako sa kanila na tahimik lang. Nang mahagip ng mata ko si Jury... sobrang sama ng tingin niya... Sandali...
So isa sa kanila yung Annoying-Brat?
"W-wala... kaaway lang ni Jury dyan sa tabi-tabi."
Pagpapaliwanag ni Gielyn para hindi makahalata yung mukhang mataray o talagang mataray ng mga babae.
"Oww.. What's new... You're so pala away pa rin."
"What did you say?!"
Naku! Baka mgkagyera pa!
"Coach Cindy!"
Tin-ry baguhan ni Louise yung aura sa room.
"Hey Louise! uhmm.. Let's start. Settle down girls."
Umupo na rin yung dalawa.
"Ssshh! Jury stop it. Calm down."
Bulong ni Gabrielle kay Jury.
"Oo nga Jury. Yaan na natin siya."
Medyo nagulat ako nung sumagot si Czarina. Hay! First meeting pa lang ganito na.

BINABASA MO ANG
MY ABNORMAL CRUSH
Novela JuvenilItong story na po ito is dedicated for my lovable friends. May mga aral na mapupulot.... May inspirasyon kang makikita and also malalaman natin kung gaano kahalaga ang lahat ng tao sa paligid natin... KAIBIGAN mo man o kahit si CRUSH pa yan :))))